Kabanata 8

376 3 0
                                    

Kabanata 8


Sarap ng feeling na Saturday ngayon at walang pasok. Nakakastress maging 4th year! Lalo na yung Physics ang hirap intindihin isama mo pa na terror yung teacher namin dun. Paggising ko at Hindi agad ako bumangon nakakatamad kasing umalis sa kama tsaka wala naman akong gagawin ngayong araw, siguro matutulog nalang ako magdamag.

Pagtingin ko sa cellphone ko at may iilang text. Tig-isa kay Theo at Coleen at ang iba ay sa mga kaklase ko na. Una kong binuksan ang Kay Coleen.

Coleen:

GoodMorning Bruha! :)

Bruha? Baliw talaga tong babaeng to. Lagi niya akong tinetext ng ganyan. Feeling ko nga ay hindi nauubusan ng load tong babaitang to eh.

Ako:

Good morning din luka! Have a nice day! :)

Binuksan ko ang message ni Theo. Himala bihira lang siya magtext sakin kasi sa pagkaka-alam ko ay wala naman iyong hilig sa pagce-cellphone.

Theo:

Good Morning! Pero mas maganda ka padin sa morning. :)

Lol. Seriously? Among nahithit nitong si Theo? Patanga tong text niyang to. Hahaha!

Ako:

Good Morning din. Pero alam Kong kahit kailan hindi ka magiging magandang lalaki. :p

Lol. Natawa naman ako sa reply ko minsan nahahawahan ako ng katangahan ni Theo eh. Puro patanga kasi minsan sa totoo lang kaya nga siguro kami close niyan eh.

Theo:

Aga-aga ang hard mo sakin. Ang hard mo agad eh wala pa nga akong ginagawa bat ka ganyan?

Ako:

Bwisit kang manyakol ka! Wag mo kong idadamay sa kamanyakan mo sinasabi ko sayo.

Theo:

Hala? Dumi ng isip netong si Sam! Sabi ko hard! Hard magsalita! Ikaw ha among iniisip mo? Hahaha!

Ako:

Ewan ko sayo! Panira ka ng umaga!

Theo:

Sorry na po madame. Date tayo?

Ako:

Pagkatapos mo akong bwisitin tapos aayain mo akong mag-date?! Manigas ka!

Theo:

Kanina pa to matigas. So ano na date na kasi tayo.. Please.

Ako:

Ang bastos mo pa nga. I hate you.

Nakakatanga si Theo. Napakabastos sarap supalpalin. Napakamanyak po talaga niyan kung akala niyo mabait yan tapos gentleman tapos sweet oo minsan sweet siya pero madalas manyak. Si Theo minsan sweet madalas manyak.

Theo:

I love you too. So date na ituuuuu?

Tangina anong date na ituuuuu?! Kung ano-ano talagang pinagsasasabi ng gunggong na to. Papayag na nga ako alam ko namang kahit hindi ako pumayag eh pipilitin padin ako neto hindi to titigil makulit to eh.

Ako:

K!

Theo:

Kinilig naman ako sa "k" mo. Hahaha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 13, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Endless ChaseWhere stories live. Discover now