Kabanata 5

270 6 0
                                    

Hi Guys! Follow nyo to sa twitter @michelleloves02
Thankyou! :)
Sana magustuhan nyo yung update.

----

Kabanata 5

Hindi ko maiwasang mapangiti habang inaalala ang mga kulitan namin ni Theo.

4th year highschool ma kami at patuloy pa din siya sa paghahabol sa akin.

Naalala ko nanaman nung 3rd year.

Flashback

Papunta ako sa locker ko para kunin ang libro ko sa chemistry. Ang kapal kasi nun kaya iniiwan ko sa locker.

Pagbukas ko ng locker ay nagulat ako ng may nakitang stufftoy na kulay violet, ice cream na cookies and cream na hindi totoo, isang malaking toblerone, at isang pink na rose. Wow kung sino man ang nagbigay nito eh ang galing niya kuhang kuha niya ang mga paborito ko.

May nakita akong papel na kulay violet may nakamarka dito

It's like catching lightning
The chances of finding someone like you
It's one in a million
The chances of feeling the way we do

And with every step together
We just keep on getting better
So can I have this dance?
(Can I have this dance?)
Can. I have this dance?

Kung sino man ang nagbigay nito ay halata namang inaaya niya ako para maging date sa prom. Napangiti ako ng nakita ulit ang kulay violet na papel nakamarka dito ang lyrics ng Can I Have This Dance.

"Nagustuhan mo ba?" Nagulat nalang ako ng may nagsalita sa gilid ko.

Pagtingin ko ay nakita ko si Theo na nakangisi sa akin. Napatingin ako sa kanya at sa mga regalong natanggap ko.

So siya pala ang may gawa ng lahat ng ito, infairness napasaya ako dahil sa mga regalo niya. Sweet din pala ang isang to, biruin mo lahat ng mga paborito ko ay binigay niya sa akin isama mo na din ang lyrics ng kanta.

"Oo, salamat ha." Tugon ko sa kanya.

Bakas ang gulat sa mukha niya. Parang nakakita siya ng multo dahil sa sagot ko.

"So pumapayag ka na?" Tanong niya.

"Oo." Tugon ko sabay ngiti sa kanya.

Natulala siya sa sinabi ko na para bang hindi makapaniwala na pumayag nga ako. Nang makabawi siya sa gulat ay bigla siyang nagsisigaw at tumalon.

"WOOOOOOOOH! DATE KO SA PROM SI SAM!" Sigaw niya na may kasama pang talon.

Napatingin ako sa paligid at nakitang pinagtitinginan na kami ng mga tao. Nakakahiya talaga ang isang to. Ang iba ay nagbubulungan at ang iba naman ay may hawak na cellphone at halatang kinukunan kami ng litrato. Tumungo ako at naglakad na. Tama na siguro yun, pumayag na akong maging date niya sa prom.

"Sam naman. San ka nanaman pupunta?" Habol niya sakin.

"Sa classroom. May klase pa ko." Tugon ko sa kanya.

Habang naglalakad ay may mga bumabati sa akin maging kay Theo ay magbumabati din at may mga nagko-congrats.

"Pare congrats. Buti pa yung sayo pumayag na." Sabi ng isang lalaking sa pagkakaalam ko ay senior na.

"Okay lang yan Carl, papayag din yun." Sabi naman ni Theo sa kausap niya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang siya ay tumigil para makipag-usap sa mga nakakasalubong namin na kumakausap din sa kanya.

Nakarating ako sa Chemistry class at nagpapasalamat ako na hindi ako late. Terror pa naman ang teacher namin dito.

Pagpasok ko ay umupo na agad ako sa upuan na naka-assign sa akin.

Endless ChaseWhere stories live. Discover now