Kabanata 6

351 4 0
                                    

Kabanata 6

"Laters, madame baby."

"WTF?!"

Kumaripas siya ng takbo palabas ng bahay.

Seriously Theo? Laters, madame baby?! Sino ka si Christian Grey?!

Pagkaalis niya ay pumasok na ako sa kwarto. Mamaya nalang ako magpapaayos. Maaga pa naman at baka malusaw lang agd ang make-up ko.

6:00 pm.

Dumating ang baklang magmamake-up sakin. Ang dami niyang nilagay na kolerete sa mukha ko, feeling ko pagkatapos kong ayusan nito ay ako ang magiging pinakamaganda sa prom. Kinulot niya ang buhok ko at inipit kagay ng hairstyle ni Ariana Grande. Pakak na pakak ako neto mamaya sinasabi ko sa inyo.

Makalipas ang isang oras na pag-aayos sakin ay viola natapos na din siya. Pinapikit niya ako habang inaayusan pero may mga part na mumumulat ako pero sandali lang naman at pinapapikit ulit ako, gusto niya kasi ay surprise pag nakita ko ang itsura ko at talagang na surprise ako like the hell ako ba talaga to?!

Alam ko naman na maganda ako pero bakit parang may anghel na bumaba sa langit at kaharap ko ngayon sa salamin, maipapantay mo na ang ganda ko kay Miranda Kerr.

"Dalaga na ang baby ko." Sabi ni mama habang yakap yakap ako.

"Ma naman eh." Sabi ko sa kanya.

Nagbihis na ako at manghang-mangha ako sa gown ko, naging mas elegante ito dahil sa maliliit na bato na pumapalibot sa gown, hanggang tuhod ito at pabuka ang style ng palda. Tipikal na gown sa JS pero makikita mo talaga sa gown na ito ang pagiging classy.

7:30 ay saktong dumating si Theo. Aba himala may kotse ang loko.

Paglabas ko sa pinto ay natawa ako sa reaksyon niya. Gulat na gulat ito na para bang nakakita ng multo.

"Oh, mangha ka nanaman. Ganda ko no?" Pang-iinis ko sa kanya.

"Grabe sobrang ganda mo as in ang solid." Sabi niya na parang di makapaniwala.

"Alam kong solid talaga tong ganda ko kaya ka nga patay na patay sakin eh." Sabi ko habang tumatawa.

"Alam mo naman pala bakit ayaw mo pa akong sagutin?" Tanong niya sa akin.

Pinagbuksan na niya ako ng pinto, hindi siya ang magda-drive kasi bawal pa.

Napatigil ako at napa-isip sa tanong niya, bakit nga ba hindi ko pa siya sinasagot sa tagal na ng panliligaw niya. Hindi ko alam.

Nakarating kami sa venue.

Pinagbuksan niya ulit ako ng pinto at naglahad ng kamay, tinanggap ko ang kamay niya at sabay kaming pumasok sa venue.

Pagpasok namin ay madami ng tao, dadaan muna sa red carpet at pipicturan ng hinire na photographer ng school namin.

Nakahawak ako sa braso ni Theo habang nilalandad ang red carpet, tumigil kami sandali at ngumiti sa photographer nakadalawang shot siya bago kami nagpatuloy sa paglalakad. Pagpasok namin sa pinakaroom kung san gaganapin ang prom ay humanga ako sa ganda, nakakalat ang round table sa silid na natatakpan ng kulay pulang mantel, mayroon itong bulaklak sa gitna ng mga table, sa harap ay may maliit na stage, mayroon ding space sa gitna para sa mga magsasayaw mamaya. May photobooth din sa gilid ng silid. Sa gilid din ay may iba't-ibang putahe, buffet style kasi ang prom namin.

Pumunta kami ni Theo sa table kung saan nandoon si Coleen at ang kanyang date.

"Sam!" Masayang bati ni Coleen at tumayo para yakapin ako.

Niyakap ko siya pabalik at natawa ang OA talaga ng babaeng to.

"Ang ganda natin." Sambit niya.

"Alam ko. Hahaha!" Masayang sabi ko sa kanya.

Endless ChaseTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang