Kabanata 7

469 4 0
                                    

Kabanata 7

Sa kasamaang palad ay walang talab ang pag-aanounce ni Theo na wala ng magsasayaw sakin dahil may mga ilan padin na naglakas loob na isayaw ako. Hindi ko naman magawang tanggihan kahit si Theo na ang gusto kong maging last dance dahil nakakahiya naman.

Sa kinatatayuan ko ay nararamdaman ko ang mainit na titig ni Theo. Ito na ang pangatlong lalaking nagsayaw sakin mula ng sinabi niya sa lahat na wag na akong isayaw. Ang titigas talaga ng ulo ng mga lalaki. Ang lalaking ito ay si Marion senior na siya at kasama ko siya sa Filipino Club kaya kilala ko na siya, nagkakausap din kami minsan.

"Kayo ba nung Theo?" Tanong niya habang nagsasayaw kami.

Tumutugtog ang awiting All of me.

"Hindi." Diretsong sabi ko sa kanya.

"Woah. Diretso talaga? Di ka man lang nag-isip?" Nagulat na sabi niya.

"Eh hindi naman talaga kami eh." Sabi ko.

"Ayun naman pala eh, bakit ang possessive niya sayo? Lakas ng loob magsalita sa mic ha."

"Ganun talaga yun. Sanay na ako. Tska nanliligaw naman siya eh."

"Ah. Balita ko nung first year pa yun nanliligaw. Bakit hindi mo pa sinasagot?"

Napaka-chismoso naman nitong si Marion. Di ko alam na madaldal pala to.

"Hindi pa ako handa eh."

"Pero mahal mo na?"

Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Mahal ko na? Mahal ko na nga ba? Oo mahal ko na nga. Pero natatakot ako. Natatakot akong masaktan. Natatakot akong magaya kay Mama na iniwan ni Papa para sa iba. Natatakot akong maiwan.

"Mahal mo na nga." Sabi niya.

"Huh?" Nabalik ako sa ulirat ko ng biglang magsalita si Marion.

"Sabi ko mahal mo na nga siya."

"Huh? Pano mo naman nasabi."

"Kasi kanina nung tinanong kita kung kayo na nga ni Theo nakasagot ka agad ibig sabihin alam mo ang sagot, pero ngayong tinanong kita kung mahal mo si Theo hindi ka nakasagot."

"Oo mahal ko na nga."

"Pero bakit hindi mo pa sinasagot?"

"Kasi natatakot ako. Natatakot akong masaktan."

"Lahat naman ng nagmamahal nasasaktan eh."

"Alam ko pero hindi ko alam kung kakayanin ko ang sakit."

"Pag mahal mo kahit ano pa yan kayo mo. Kung ako sayo sagutin mo na mahal mo na pala eh. Wag mong hintayin na mawala sayo bago mo pahalagahan."

Natapos ang kanta ng nakatulala ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sobrang natatakot ako na maranasan ang nangyari kay mama. Ang iwan ng lalaking pinakamamahal niya.

"Bakit pumapayag ka pading makipagsayaw? Aish dapat nga ako ang last dance mo diba? Mga panira naman oh." Iritadong sabi ni Theo.

"Hindi ko kasalanan yun eh sa niyaya nila ako eh." Sabi ko sa kanya.

"Pwede naman po kasing tumanggi!"

"Nakakahiya kaya. Tska kawawa naman kung tatanggihan, gusto lang naman makipagsayaw eh."

"Hay nako. Ang bait mo talaga."

"Alam ko kaya ka nga deads na deads sakin eh." Ngisi ko sa kanya.

"Asus. Alam ko naman na deads na deads ka na din sakin eh ayaw mo lang umamin."

"Asa ka. Assumero ka talaga ano?"

Endless ChaseWhere stories live. Discover now