Chapter 12

16 3 0
                                    

Klient's pov

Hindi naman dapat ako mapupunta rito kung hindi para sa trabaho.

Masyado na akong maraming pera para mag aral, tss. Ang pag-aaral ay para makapag hanap ng magandang trabaho at kumita ng pera. But bro. I already have my own bank, trabaho lang talaga ang pakay ko rito.

"Parkzin.."

Paulit ulit kong inuulit ulit sa isip ko ang pangalan na yan. Pangalan pa lang may angas na. Nakita ko siya sa mall at ngayon ay nandito siya sa tabi ko. Akalain mong sa lawak ng pilipinas same school, classroom at ngayon ay katabi ko pa? Haha

"Hello?" Mahina man ay dinig ko ang boses niya habang nasa kanang tenga ang telepono. "..sige"

Nagmamadali siyang umalis. Parang sobrang importante ng pupuntahan nya. Parang baliw man ay wala sa sarili ko siyang sinundan. Palihim akong sumunod sa kanya, hanggang makarating kami sa parte ng school na walang tao. Bahagya kong itinago ang sarili ko.

"Claud?" Wala sa sariling banggit ko nang makitang hawak ng tatlong lalaki si claud habang ang mga iba naman ay hawak ang dalawang kaibigan nito.

'Tauhan namin 'to ah pshh. Kumikilos nang wala akong alam

"Oh mga pare hahaha dumating na pala ang superman nitong si kamahalan" rinig kong sabi habang nakatingin kay parkzin

Tskk sino ba siya sa tingin niya? Lakas ng loob sumugod rito psh. May gusto yata to sa tarantadong si claud e. Bida bida

"Bitawan nyo yan."Walang emosyong utos nito.

Wala pang bakas ng sapak si claud. Tsk ano na naman kayang binabalak ng clan

"Ha? HAHAHAHAHAHAHAHA!!" malakas sa tawanan nila."bitawan daw natin HAHAHAHA"

"OO NGA BOSS E HAHAHA"

"Sinabi ko bang makitawa ka? Gusto mong unahin kita?"

"Sorry boss"

'Tskkk

"Andami nyong satsat. Ano bang palabas 'to?" Wala paring emosyong tanong niya

"Ikaw ba ang syota nito? Ha? Ha? Ha?" Nang-aasar na sagot ng lalaki

"Hindi."

"Oh e anong ginagawa mo dito? Paepal lang? HAHAHAHA!"

"Isa ka bang bobo?"

"Ano kamo?!"

"Ako ang tinawagan niyo hindi ba?"

Kalmadong kalmado ang tayo ni parkzin habang kaharap ang limang lalaki. Parang normal lag sakanya ang mga ganitong sitwasyon.

"Boss, siya nga 'yong tinawagan nyo. Malamang sa malamang e pupunta 'yan, pinapunta nyo e"

"Aissh! Gusto mo bang sapakin kita!? Bawal magkamali? Tskk! Mga tanga!"

Tang*na mga bobo

Gulat ako ng biglang dakmain ni parkzin ang kwelyo ng lalaking mag hawak kay claud.

"Sinabi kong bitawan mo na hindi ba?"maangas na sabi niya.

"Bitawan mo'ko"

"Ha? HAHAHAHAHAHAHA!!
Bitawan ko raw?" Panggagaya niya sa inasal ng lalaki kanina

"HAHAHAHA oo nga e" sabi ng isang lalaki habang nakikipag tawanan kay parkzin.

Napasampal nalang ako sa sarili kong mukha. Napakatanga

"Tanga tsskk" iling iling na sabi ni parkzin at muling binalik ang tingin sa lalaki

Kusa namang binitawan ng lalaki si claud habang hinang hina na. Ganon na rin ang mga kasama ni claud.

"Alis na" mariing utos nito kay claud habang nasa lalaki parin ang tingin

"H-ha?"

Dahan dahan niyang nilingon si claud."'wag mo na ulit hayaang ganon ka nila kabilis makuha."

"Ha?"

Tss. Bading

"Alis na" pag uulit nito.

Sumunod naman sila claud. Nagtago ako sa ibang lugar para hindi nila ako makita sa pag alis nila. Nang makalayo ay muli akong bumalik sa pwesto ko.

"Sinong nag-utos sainyo?"

Laking gulat ako nang bigla siyang maglabas ng baril. "Sinong nag utos sainyo?" Muling tanong nito

Subukan nyo lang umamin ako mismo ang tatapos sa buhay nyo.

"Pervoux"

Tangina

*bang!*  *bang!*

Binaril niya ito sa ulo dahilan para mabawian ito ng buhay. Shitt

Halatang gulat ang iba nitong kasama matapos sa ginawa ni parkzin.

"Kayo."baling niya sa apat na lalaki "pag tinanong kung sinong pumatay sa kasama nyo, say my name."

Tinalikuran nya ito at naglakad papalayo. Ngunit bago pa ito makalayo "S-sino ka ba?"

Kita ko kung paanong ngumiti ng sarkastiko si parkzin bago lumingon.

"Zin, Im parkzin Quinn"

-Comment and vote!

Tattooed Heart (ON GOING)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें