Chapter 16

36 3 1
                                    

Ramdam ko ang bigat ng katawan ko habang nakahiga sa kung saan. Hindi ko maigalaw ang kaliwang paa ko sa hindi ko malamang dahilan.

"Miss zin, hold on!"

Kusang sumama mula sa pagkakabuhat niya ang katawan ko. Hinang hina ang buong katawan ko kaya naman hindi ko na napigilang ipikit ng dalawang mata ko.
.
.
.
.
.
Dahan dahan ako nag bukas ng dalawang mata kasabay ang pagkaramdam ng balot sa binti. Wala na rin ang pagod na nararamdaman ko katulad kanina. Wala na ring sakit o ano man.

"dont worry, hindi ko na ulit hahayaang maulit ang pagkakabaril sakin"

"Talagang hindi na maaring mangyari ang bagay na iyon zin, Baka ako na mismo ang babaril sakanila."

'Patay..'

Napapikit nalang ako sa naalala kong katagang binitawan ni kuya. Malamang sa malamang ay nalaman na nila ang nangyari sakin. At talagang lagot na ako ngayon.

Maya maya lang..

"Owemji! Miss zin, Gising kana!"

Srsly? Hindi ba dapat ako magising?

"A-ah oho.." pilit na ngiti kong sagot.

Ilang araw ba akong nakahilata? Sampong taon na ba ang nakalipas? Tch.

"May masakit ba sayo?"

Pinakiramdaman ko ang sarili ko, wala naman. Kaya umiling nalang ako bilang sagot.

Himala, walang dakdak ng dakdak sa gilid ko. Wala si kuya, o sila mama.

"Isang araw ka ng tulog after ng surgery mo. Doctors already remove the bullets." Nakangiti nyang sabi. Saka ko naalala ang nangyari sakin bago ako mabaril.

Si klient..

Ang pervoux.

Sila ang tunay na kalaban ng buong solliva.

"Alam ko.."

kusa akong bumalik sa diwa ko nang marinig ang sinabi niya. "H-ho..?"

"Pervoux, kilala ko na sila."

What? Kailan pa..!?

"H-how..?"

"Its not the right time to talk about it. Take some rest, miss zin. You're parents doesnt know this. I keep it as our secret, dahil alam kong magaalala lang sila." Walang prenong sagot niya. Nag iwas nalang ako ng tingin.

Para akong natanggalan ng tinik nang malaman kong hindi alam ng pamilya ko ang disgrasya na namang sinalubong ko, Tss.

Wala naman akong ibang gagawin kaya mas pinili ko nalang matulog.

Cyd's pov

"Really claud?!" Hindi makapaniwalang tanong ko sakanya nang makarating siya rito sa mansyon. Walang bakas ng galos o ano man. Maayos na maayos ang dating.

Wala namang kaso sa'kin na maayos ang lagay niya. Ang hindi ko nagustuhan, ang dahilan niya.

"My girlfriend need's me mom, sana naman maintindihan mo 'yon." Pabalang na sagot niya sakin. Bahagya pa akong natawa at tumingin sa kung saan. Hindi ako makapaniwala.

"Did you know that because of your girlfriend, someone is now risking her life?"

Natahimik siya.

Bakas sa mukha niya ang pagkagulat.

"W-what?"

"Nasa puder ng kabilang panig ngayon si miss zin, kakahanap sayo!" Pinigilan kong 'wag masyadong lakasan ang boses ko dahil nanatili parin ang pagiging ina ko sakanya, kahit na sobra na talaga ang gigil ko.

Tattooed Heart (ON GOING)Where stories live. Discover now