Chapter 2

55 4 0
                                    

2 years ago....

Third person's pov

Bata pa lamang si Parkzin palagi na siyang nab-bully, Walang araw na hindi siya umiiyak sa bawat lait na nakakarating sakanya. Simple lang noon ang pamumuhay nilang magpamilya. Nakakakain ng tatlong beses sa isang araw, nakakapagaral siya at hindi gaanong may problema.

Nag iisang anak lamang siya kaya hindi gaanong nahihirapan ang mga magulang nya na paaralin siya. Maayos at masaya ang pamumuhay nila, ngunit nagbago lahat yon nang lumipas ang isang gabi.

Isang gabi na nakapagbago ng pananaw sa buhay ng batang si parkzin.

PRESENT...

Parkzin's pov

"tinsley Nasan ka ba?"halos masira ang screen ng phone ko kakadutdot. Kanina ko pa tinagawagan si mia pagkalabas at pagkalabas ko palang ng mall. Pero nakarating na ako lahat lahat sa bahay ay wala parin,Hindi ko parin siya makontak!

Tinsley was a good friend of me.Palagi siyang nasa tabi ko kahit ano pang pinagdaanan ko. Simula pinatay ang parehong tatay namin sa gabing pinaka pinagsisishan ko ay palagi na kaming magkasama ni tinsley.

Gusto kong manapak ngayon dahil hindi ko siya makontak. Alam na alam niya namang hindi pa maganda ang lagay namin at patuloy parin kaming hinahanap ng killer.

Simula pinatay ang tatay,namuo ang galit sa puso ko. Wala akong awa sa mga taong umaabuso sa karapatan ng bawat tao. Kaya ang lalaking binugbog ko kanina, nagkaganon iyon dahil may mabigat siyang kasalanan na hindi ko ikinatuwa ng husto.

LUMIPAS ang ilang oras, wala paring mia ang nagpaparamdam sakin. Peste talagang babae yon!

"Kakauwi mo lang aalis ka na naman?" narinig kong sabi ni mama habang palabas ako ng bahay

"Hahanapin ko si tinsley"hindi ako lumingon at nagsalita lamang sabay diretso labas.

lumipas na ang ilang oras pero wala parin sya, hindi ko mahanap, mag-gagabi na rin!

Kingina

"Sumunod ka sakin" hindi na ako nakapalag pa ng icorner ako ng isang lalaki. May inilagay rin silang na panyo sa ilong ko dahilan para makatulog ako.



Tinsley's pov

"Ano pa bang kailangan nyo? Nakuha nyo na lahat 'di ba?"

Kaninang kanina pa ako nakagapos rito kasama ang mga asungot ni koss. Sawang sawa na ako sa pagmumukha nilang halatang sapilitang iniri ng mga ina nila.

HAHAHAHA laptrip ampotek

"Sinabing itikom mo yang bunganga mo 'di ba?" muli na namang saway sakin ng pinakapangit sakanila.

Pfft kung pwede lang tumawa ng pagkalakas kalas kanina ko pa ginawa e

"Ulul!"bulong ko.

Bored na bored na ako HAHAHA tagal naman makaramdam ni zin na nawawalawa na pala ang maganda nyang kaibigan! langyang yon.

'Tsk tsk tsk...'

Parkzin's pov

"Nasan siya? Tapos na tayo hindi ba? Tumanggap ka naman ng pagkatalo mong tarantado ka tss"

"Nasa magandang kamay naman siya,Ingay mo"

Kingina sinabi ko na nga bang sila ang nakita ko sa labas ng mall kanina, Bat ba kasi nagdalawang isip pa akong hindi sila sundan? Peste

Flashback

"Ate ate! pahingi po ng pera, pangkain lang po"sabi ng batang mga parang nasa siyam na taon habang kinakalabit ako

Sa itsura nya halatang walang mga magulang o walang kwenta ang mga magulang, Halatang hindi ren nag aaral.

'Aanak anak tapos bibigyan ng ganitong klaseng pamumuhay'

"Magkano ba ang kailangan mo?"

"Uhm,kailangan ko po ng..."

Teka? Tauhan ba ni koss yon??

"...para po makakain ako ngayong umaga"

Hindi,imposibleng nandito sila.Wala na akong kasalanan o utang, subukan lang nilang magpakita

"Ate?"

Bumalik ako sa diwa ko sa boses ng bata "Magkano nga ulit?"

"10 pesos po"

10? Bakit 10 lang? Wala ng mura ngayon..lahat nagmamahal tapos iniiwan hehe

"Oh eto..isang libo yan,alam mo naman siguro yan"

Hindi ko na inantay magsalita ang bata ay agad na rin akong umalis.

End of flashback

"Oh?"

Pagdating ko,nakita ko na agad si tinsley na komportableng nakaupo habang nakagapos ang mga kamay, Maayos ang itsura nya kaya wala namang kaso--Kaya lang, Lintek na mga demonyong nasa harapan ko.

HINDI KO ALAM KUNG ANONG PROBLEMA NILA.

"Ang tagal mo, Diring diri na ako sa mga pagmumukhang to HAHAHA"

Ayan, Ganyan siya..kahit anong sitwasyon namin grabe parin kung makatawa,. psh

Hindi ko siya pinansin at hinarap ang tauhan ni koss "ano pa bang problema?"mahinahon kong tanong

"Antayin nyo nalang si boss"

A/N:bitin tong chapter two kasi gusto kong intense ang next chapter hehe, Kanya kanyang trip lang yan, thank's for supporting! Mwuah!

-comment and vote👍

Tattooed Heart (ON GOING)Where stories live. Discover now