Chapter 11

30 3 0
                                    

"Uniporme ba talaga 'to?"

Halos magsuntukan ang dalawang kilay ko nang makita ko kung gaano kaikli ang pinapasuot sa akin.

Bar ba ang pupuntahan ko? Tss

"Wala na bang iba? Hindi ba pwedeng simpleng damit lang?" muling tanong ko sa isa sa mga personal maid nila rito sa mansyon

"Ang sabi ni ma'am cyd ayan raw po ang dapat ninyong isuot" magalang nyang sagot.

Bagsak ang dalawang balikat ko nang tunguhin ang banyo upang makapag bihis. Ngayon rin ang unang araw ng klase. Akala ko ay bibili pa ako ng mga gamit ko pero nakahanda na raw lahat ng gagamitin ko bago pa man ang dumating kanina.

Prinsesa nga'ng tunay hahaha look down baby

"Mas lalo akong nagmukhang hindi tao rito ate" inis kong reklamo nang makalabas ako ng banyo

"Bagay na bagay po sainyo" ngiting ngiting sagot niya. Pilit na ngiti lang ang tangi kong naiganti sakanya bago tunguhin ang salamin upang pagmasdan ang sarili.

Kahit saang banda hindi ko makitaan na bagay nga sakin ang unipormeng ito. Katulad ng pinasuot sakin sa party ay pakiramdam ko kahit anong oras maaari akong mahubaran!

"Wow miss zin, you look so good" bungad ni mrs.solliva sa'kin nang masalubong namin siya.

"Salamat"

"Manong, paki dalian ang pagmamaneho dahil baka sila ay mahuli sa klase.." baling niya sa driver saka ako muling hinarap "Enjoy your first day.." ngumiti lang ako bilang ganti

"Oh claud, hintayin mo si miss zin" rinig kong sabi niya habang nakatuon sa bandang likuran ko. Nang makaharap ako ay nadatnan ko si claud na palabas na ng pinto.

"I can't. Im go with cindy mom, hope you'll understand" sabi niya at binagsakan ako ng malalim na tingin at iling iling na lumabas.

"Tsk tsk tsk..sige na mauna na kayo. Enjoy" halatang inis na sabi niya ngunit agad rin iyon nawala

Tango lang ang naging tugon ko.

Napasilip ako sa driver nang maramdaman ko ang paghinto ng sinasakyan namin.

"Ma'am nasiraan po tayo" nag-aalangan na sabi niya

"Malayo pa ba dito?" walang ganang tanong ko.

"Malayo layo pa po per-----"

"Osige.." pagputol ko sa pagsasalita niya at dire-diretsong lumabas ng kotse.

Sa pag tanong tanong na ginawa ko ay natunton ko rin ang pupuntahan ko. Ganon nalang ang pagkamangha ko nang makita kung gaano nga ito kalaki. Walang dudang bigatin lang ang kayang pumasok sa lugar na 'to.

"Excuse me!"

Napausog ako nang wala sa oras. Nilingon ako ng isang babae saka ako tinignan mula ulo hanggang paa.

"Owemji hahahaha..." tawa nya at nilingon ang mga kasama para makitawa rin "..Excuse me? are you sure this is the school you are going to go to?"

"Bulag ka ba?" tanong ko sakanya at tumingin sa kung saan habang inaayos ang uniporme ko

"What?!"

"Ang sabi ko.." sagot ko habang nakatingin parin sa kawalan. "Bulag ka ba kako?" pagpapatuloy ko at binagsakan siya ng malalim na tingin.

"How dare y---"

"Stay"

Pagpigil ko sa plano nyang paghila ng buhok ko. "'Wag mong ugaliin yan baka hindi kita matansya at makalimutan kong tao ka"

Bakas sa mukha nila ang pagkagulat sa kanilang narinig. Natawa siya bago muling nanghamon ng tingin.

"You don't know me" madiin na sabi niya

"Quits lang, hindi mo rin ako kilala" ngising sagot ko at iniwan sila.

Ayokong mag sayang ng oras sa mga taong 'yon. Expected ko nang may mga taong ganon lalo na sa mga lugar na gaya nito. Mga nangangarap maging isang tunay na prinsesa tss

Papasok na sana ako ng main building nang mag sigawan ang mga estudyante. Naging alerto ako sa pagsigaw nilang iyon. Ganon na lamang ang pag dismaya ko nang makita kung ano ang naging dahilan ng pagsigaw nilang 'yon!

"Owemjiii claudddd!!!!"

"Loookkk!! Wahhh! You're so gwapooo!!"

"He's so hotttt sisss!!"

"Marry me clauddd!!!"

Tss, mga walang kahihiyan

"Hey! Get out!" Pagtabig sakin ng isang babae kaya naman natumba ako sa isang babae

"Ouchhh!!" muling tulak sakin, pero sa pagkakataong ito at masyado ito g napalakas. Nakita ko nalang ang sarili kong naka salampak sa lupa.

Ugong ng bulong-bulungan ng mga tao sa paligid ko. Nawala ang kaninang sigawan nila.

Dahan daha akong tumayo at inayos ang sarili ko. Nakita ko ang tingin ni claud na parang hindi manlang naawa ko ano man.

Teka? Akala ko ba'y kasama nya ang nobya nya? Bakit wala dito?

Tskk

Hindi ko na pinansin ang mga sinasabi nila at dire-diretso na akong pumasok sa loob. Hindi sila pwedeng dumagdag sa problema ko. Hindi maaari.

Claud's pov

She's so annoying! Tssskkkkkk!

Napahiya na siya't lahat lahat umalis lang nang parang walang nangyari!

"Bro, lets go?" kusang bumalik ang diwa ko sa kaibigan kong si liam

"A-ah right, lets go"

"Where's cindy?"maya maya'y tanong niya

"Wala"

Tanging naging sagot ko.

Kahit ako hindi ko rin alam kung nasan siya. Wala siya sakanila nang datnan ko. At ngayon wala parin akong ideya. Tch!

-comment and vote!













Tattooed Heart (ON GOING)Where stories live. Discover now