Chapter 9

25 3 0
                                    

Parkzin's pov

"Dadalaw ako rito pag may bakanteng oras ako" nakangiting sabi ko kay mama na malungkot na naman ang mukha.

Kasalukuyan na akong sinundo ng sasakyan ng mga solliva kahit alasingko palang ng madaling araw. Gising rin buong pamilya ko dahil sigurado akong ilang buwan rin kaming hindi magkikita kita

"Promise..??"lumuluhang tanong ni mama, tumango naman ako saka siya niyakap

"I'll be back ma, so stop crying" bulong ko

"Sali naman kami dyaaaann"hirit ni kuya at sila yumakap samin.

"Mag-iingat don zin"

"Ingat ka bunso"

"Babye anak, iloveyou"

Huling sabi nila bago makaalis ang sinasakyan ko. Muli na namang bumalik sa seryoso ang mukha ko. Ilang oras lang ang byahe ang pumarada na kami. Isang malaking bahay ang bumungad sakin. Kung ang sumabog na mansyon ay sobrang laki, Pinakamalaki naman ang isang ito.

Mansyon yata 'to ng lahat ng mansyon

"Welcome sa mansyon ng solliva miss zin" rinig kong sabi ng isa sa mga kasama ko sa sasakyan pagkababa namin.

Hindi ko siya sinagot o tinignan manlang. Nakatuon parin ang paningin ko sa kabuohan ng mansyon.

Hindi ko hilig ang manood ng mga pang prinsesa pero parang ganito rin yata kalaki ang tinitirhan nila. Ganito kalaki at kaganda.

"Miss zin" napalingon ako sa tumawag sakin, medyo nakakalayo na pala sila

"Tara na po"

"A-ah oo sige..."

Sumunod lang ako kung san man sila pumunta. Sila rin ang may dala ng bagahe ko. Bawat lugar na nadaanan namin ay lalo akong humahanga. Masyadong maganda ang lugar na ito para sa katulad ko.

Hindi ko na yata mabilang ang mga babaeng naka uniporme ng pang kasambahay na nadadaanan at nakakasalubong namin.

'Ilang kwarto kaya ang meron rito?'

'Gaano kaya kalaki ang kwartong ibibigay nila sakin?'

Nagiging asyumera na ako tss,masama to

Claud's pov

"Bukas ang dating ni miss zin, prepared her room"

narinig kong utos ni mom sa mga kasambahay namin. Masaydo nang gabi para makipag usap pa kay mommy tungkol kay zin.

Dire-diretso akong umakyat sa kwarto ko at ibinagsak ang sarili sa kama. Ipipikit ko na sana ang mata ko nang biglang tumunog ang telepono ko

"Hello?"

"Goodevening babe"

Si cindy..

"Ow,goodeve b-babe.."

"wait... is there a problem babe? Why does something sound wrong with your voice?"napapikit nalang ako sa narinig ko.

Hindi ko kasi maintindihan ang sarili ko simula nung nakita ko ng personal si Zin, there is something strange but it seems to be nothing.

"Babe..."bumalik ako sa katinuan nang muli kong marinig ang boses niya

"Y-Yeah?"

"What's wrong? Are you okay?"

I dont know...

"Yes,O-Of course babe"

Rinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya. "Okay,I will not force you to say, If you are sick take medicine,take care of your self babe please.."

Tattooed Heart (ON GOING)Where stories live. Discover now