Shibuya Crossing

40 3 0
                                    

Isa na akong chef ngayon sa Japan, malayo mula sa nakaraan ko na ako mismo ang nagmamay-ari ng restaurant. Tuluyan ko na ring kinalimutan ang pagpipinta at nagsimula sa simula na tila ba bagong silang na sanggol na babagong natututong tingnan ang mundo.

Habang mag-isang kumakain at nanonood ng TV, napadaan ako sa Filipino News Channel.

"Makalipas ang ilang buwan na paghahanap at pagiimbestiga sa misteryosong kaso ng pagkamatay ng isang Architect na si Max sa Manila, sumuko na sa mga pulis ang matagal ng nagtatago at pinaghahanap na suspect. Kinilalang si...." biglang namatay ang TV dahil sa power shortage

"Huh? A-anong nangyari? Papano? Shit! Kung kelan naman, ngayon pa talaga nawalan ng kuryente! Hindi ako? Paano? Don't tell me, it's Theo? Huwag ninyong sabihin na inako ni Theo ang ginawa ko?" Inis kong sambit sa sarili ko, agad kong kung kinuha ang cellphone para isearch ang naging kaso sa pagkamatay ni Max. Wala pa akong makitang ibang balita bukod sa naging imbestigasyon kay Theo noong panahon na nasa Batanes pa kami.

*Cring.... Cring....* Doctor is calling.

"Hello, Doc?"

"Hello Gael, this is Megumi, Doctor Toshiro's assistant. I would like to remind you that you have an appointment today with him. You are about 10 minutes late sir, may we know if you'll come?"

"Ah, yes Megumi. I'm sorry, I'm on my way now. Thank you."

Habang naglalakad mag-isa, napansin ko ang ganda ng liwanag ng Tokyo. Napakaraming tao, napakaingay ng paligid, ang lahat ay abala at nagmamadali.

Habang binabaybay ko ang kahabaan ng kalsada ay nasilayan ko ang isang binata na nasa unahan ko, may katawagan ito sa cellphone, kilala ko ang boses na 'yon, alam ko ang galaw niyang 'yon, napakapamilyar niya. Sinundan ko siya at hinabol hanggang sa napadpad ako sa gitna ng mga tumatawid na tao sa Shibuya Crossing. Hindi ko na nakita kung saan nagpunta ang sinusundan kong lalaki, marahan akong umikot para hanapin siya pero lalong dumadami ang mga taong tumatawid. Naglakad ako papunta sa kabilang kalsada, nagpatuloy sa paghakbang kahit hindi alam kung saan patungo.

Lumingon ako, doon bumilis ang tibok ng puso ko. Nakita ko siya, bumagal ang oras ng mga sandaling 'yon,bumagal ang lahat pati ang mga taong nagmamadali sa paglalakad, ang mga sasakyan, ang pag-indap ng mga ilaw, at ang mga panoorin sa billboards ay tila ba sumabay sa pagtigil ng oras. Naramdaman ko ang pagpatak ng ambon, nagtakbuhan ang mga tao sa paligid, aksidenteng napatingin siya sa'kin at nahinto sa paglalakad. Malamang nabigla rin siya na makita ako dito, malamang hindi rin niya inaasahan.

Tama nga ang hinala ko na si Theo 'yon.

Ngumiti ako sa kanya at ng mga saglit na 'yon ay bumalik na ang lahat sa dati, nawala ang pagbagal ng oras, nawala ang pagkabingi ko mula sa ingay ng paligid, bumalik ang lahat sa normal. Huminga ako nang malalim, bumalik sa kabilang kalsada at tuluyan nang naglakad palayo papunta sa psychiatric clinic para sa aking appointment.

Love, Lust, And Lies (SELF-PUBLISHED/ SIGNED STORY UNDER GOODNOVEL)Where stories live. Discover now