Sweat, Paint, and Oral

217 9 31
                                    

Kinabukasan, wala ng ibang tumakbo agad sa isip kundi ang ikinuwento sa'kin ni Gael at ang mga nabasa ko sa diary ni Don Tucio, doon nagkakaroon na ako ng ideya kung anong libro ang pwede kong isulat. I want something realistic, something bold, something new.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko at nagpunta sa paborito kong tambayan, ang pwesto sa tapat ng bintana kung saan tanaw ko ang malawak na dagat ng Ibiza.

*Notification* unknown number messaged you


- Hi Theo, this is Gael. I would like to invite you sa lunch mamaya dito sa bahay. May mga gusto rin akong ikwento pa about kay Lola, baka makatulong sa libro mo.

"Sige, I'll be there," sagot ko sa kanya.

Agad akong naligo at nagbihis. Humarap ako sa salamin habang suot ang aking white loose long sleeve na bukas ang botones hanggang dibdib.

"Gwapo ah" bulong ko sa sarili ko.

Nagtungo agad ako kila Gael, he sent me his address at kilala rin kasi dito ang pamilya nila kaya siguro hindi na rin ako nahirapang makabalik sa bahay nila. Sinundo niya ako sa tapat ng gate at dumiretso kami sa isang kwarto. Kaiba sa kwartong pinuntahan namin kahapon.

"So this is my room, dito ako nagpipinta. We can't hangout sa may sala, pinaaayos kasi nila mama para sa darating na birthday celebration ni dad. So maybe, dito muna tayo or gusto mo sa garden?"

"Ok lang ako dito, no worries." Sagot ko sa kaniya.

Naupo ako sa kaniyang kama at siya naman ay nakaupo sa may bintana. Malawak ang kwarto niya, puro paintings ang nasa dingding at hindi ko naman ipagkakaila na magaganda ang mga likha niya.

"Do you want me to paint you?" Tanong niya.

"Ha? Naku hindi na. Nakakahiya, pati wala akong pera to pay you."

"Pansin ko lang na mahilig ka sa art, madali kang makaappreciate ng likha ng iba."

Kinuha niya ang kaniyang canvas at mga brush, nilock ang pinto ng kwarto at pinaupo ako sa kama.

"Alam mo kung ano 'yong nakakahiya? Kapag tumanggi ka pa e nakasetup na ang mga gamit ko, you better say yes na. Minsan lang 'to, pati alam mo ba, you have perfect eyes and thick red lips, ang mga ganyang katangian ay hindi dapat itinatago."

"Ngayon talaga?" tanong ko sa kanya.

"Why not?" Sagot niya habang nakangiti.

"Para namang may choice pa ako, anong gagawin ko?"

"Hubadin mo na suot mo, we will be doing the nude painting."

Nude? Nude painting? Oo pareho tayong lalaki kaya walang issue 'yon pero 10 A.M MAGHUHUBAD AKO NG SUOT KO PARA SA PAINTING? WOW!

"Kelangan ba talaga nakahubad? Baka pwedeng pantaas na lang? Hindi naman kasi ako handa."

"Don't worry, ako bahala sa'yo. "

Don Tucio, ang hilig mo nga talaga sa mga nakahubad na lalaki. Diary na nga lang ang hihiramin ko kailangan ko pang maghubad. Kahit wala ka na, yung presensya mo nangingibabaw pa rin dito.

Hinubad ko ang aking long sleeve, sunod na hinubo ang aking pantalon at panloob. Naupo ako sa kama, nahihiya at hindi kumikibo.

"Maging komportable ka lang, wag kang mag-alala." Aniya.

Sinimulan niya akong ipinta sa kaniyang puting canvas. First time ko talagang gawin 'to sa harap ng ibang tao, pero kita ko sa mga mata ni Gael ang pagkapursigido niya na maipinta ako.

Love, Lust, And Lies (SELF-PUBLISHED/ SIGNED STORY UNDER GOODNOVEL)Where stories live. Discover now