Faded

100 7 2
                                    

Dumating na ang araw ng exhibit, ngayon ko lang napansin na ayos din naman nga pala ang mga kuha ko. Mga larawan na tumatalakay sa personal na buhay ng mga LGBTQ+ members, mga litrato na tungkol sa human rights, at mga Editorial shots.

Everything's perfect, napakaperpekto ng gabing 'to lalo na sana kung narito si Max. Mabilis na dumami ang tao sa venue, ilang oras pa lamang mula ng magbukas kami ay tila ba hindi ko na alam kung paano kakausapin ang mga bisita sa dami nila.

Habang nag-aasikaso ako ng mga bisita biglang lumapit sa'kin si Mace.

"Hoi, bes! Omg! I saw all the photographs, ang gaganda. Hindi na talaga ako mag-iiba ng photographer para sa prenup ko. Sobrang excited na ako, alam mo gusto kong iregalo 'yong isang picture sa mother-in-law ko. 'Yong picture ng batang babae na nakawhite dress sa garden . For sure, magugustuhan nya yan. Basta I'll pay you later ha. Akin 'yon."

"Seryoso ba sis?"

"Oo nga! Mahilig kasi sa garden chuvanes ang mommy ni fiance, so naisip ko baka mas magustuhan ni modra pag bigyan ko nyan as gift."

"O sige, Usap tayo later after ng exhibit. Asikasuhin ko lang 'tong mga tao, dzai hindi ko ineexpect na ganito kadami."

Marami ring kumakausap sa akin, nakakatuwa na puro magandang feedbacks ang natatanggap ko.

"Kuya? Kuya Tim! Omg! I love your shots, tinawagan ko na rin ang mga friends ko para pumunta rito." Sambit ng isang bisita sa'kin.

"Thank you!" Sabay yakap sa kanya.

"Si Kuya Max? Hindi na ba talaga aabot? Sayang naman."

"Oo e, 2 more days pa siya doon. Kumain ka na ba? May snacks sa unahan, kumuha ka na lang ah."

"Sige kuya, see you later ah. Aantayin ko pa mga kaibigan kong dumating."

Habang nasa kalagitnaan ng pag-aasikaso sa mga bisita ay tumawag si Max.

"Babe?" I can't hide my smile.

"Hello, babe! Kumusta? Balita ko maganda raw ah, may balato na ako dyan?" Biro niya.

"Babe, I miss you so much. Hindi ka ba talaga uuwi?"

"Babe naman, napag-usapan na natin 'to diba? Andyan si Mace, sabi ko tulungan ka. Basta babe, wag mo kakalimutan na magpahinga ah, wag masyadong magpapakapagod."

"Oo, babe. I love you" sambit ko

"I love you more, sige na babe. Malelate na ako sa meeting namin ngayon. Bye, babe. And congrats na in advance."


Kaliwa't kanan may nakikipagkamay sa'kin, humihingi ng calling cards, at tinatanong ako, ramdam ko ang saya at ligaya pero parang hindi pa rin kompleto dahil wala si Max.

Habang naglilibot-libot ako sa venue, napansin ko ang isang lalaki na nakatitig sa black and white nude photo ng aking subject, nakatalikod naman ang model ko kaya hindi ito malaswang tingnan.

"Kumusta?" He asked, humarap siya sa'kin.

Tila ba nawala ako sa oras, huminto ang lahat sa paligid. Totoo ba 'to? Hindi ako agad nakasagot, nakatingin lang ako sa kanya sa pagkabigla ko. Pabilis nang pabilis ang kabog ng dibdib ko, kinakabahan at hindi alam ang gagawin. Nanatili akong walang sagot at nakatingin sa kanya.

"You're doing great naman pala, naaalala mo pa ba ako?"

"Bakit..... na... narito ka?"

"I'm buying all your photographs. I'll be needing them sa interior design ng itatayo naming restaurant dito sa Pinas."

Love, Lust, And Lies (SELF-PUBLISHED/ SIGNED STORY UNDER GOODNOVEL)Where stories live. Discover now