Confession of a Sinner

30 3 0
                                    

Bumuhos ang malakas na ulan, nagising na lang ako na mag-isa. Alam ko na hahantong dito, naupo ako saglit sa kama bago tumayo para hanapin siya, pero sa kahit saang sulok ng bahay, wala na ang bakas niya. He left, Theo's gone.

Sa malakas na alon ng dagat, hindi nagpatinag ang lakas ng ulan sa kaniyang pagbagsak. Malayang dumampi ang butil ng tubig sa aking balat, hindi na gaya ng dati, ramdam ko na ang lamig. Kagabi, yakap pa kita pero sa paggising ko wala ka na. Mamimiss kita, miss na kita.

Naupo ako sa tapat ng mesa, may nakahanda na doong pagkain na malamang ay inihanda niya bago siya umalis. Kagabi pa lang ramdam ko na aalis na siya, alam ko na iyon na ang huling gabi na magkakasama kami.

Tanggap ko na, tanggap ko na wala ka na, pero ang sakit isipin.

Habang katabi ko siya kagabi, palihim akong umiiyak, tahimik at pinipigilan ang aking sarili na gumawa ng ingay. Hindi dahil ayoko na ipakita na malungkot ako pero dahil alam ko na maaga niya akong lilisanin, alam ko na maaga niya akong iiwan.

Kung saan ka man dalhin ng paglalakbay mo, sana hindi mo kalimutan na nasa dulo pa rin ako ng ginawa nating plano. Nasa pagitan ako ng hihintayin ka o lilimutin na, nasa pagitan ng palalayain ka at dadamhin ang sakit na nadarama.

Hindi ko alam kung saan ako muli magsisimula, hindi ko alam kung saan nga ba tayo nagtapos o kailan ka kumawala sa gapos, mahabang panahon pa siguro ang kailangan ko para makalimutan ka. Ilang tulog ba bago ako masanay na wala ka? Ilang palihim na pag-iyak ang kailangan kong gawin upang maibsan ang sakit? Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, hindi ko pa rin alam kung anong magiging plano.

Pero gaya ng sinabi mo, kahit masakit kailangan kong magsimula nang wala ka. Kailangan ko nang maglakbay mag-isa.

Paalam.

Ayaw kong tuldukan dahil hindi pa ako handang tanggapin na tapos na, umaasa pa rin ako kahit alam ko namang malabo.

Simula nang mawala si Theo sa bahay, gabi-gabi na akong umiiyak. Nakakahiya mang aminin pero araw-araw pa rin akong nangungulila sa kaniya. Kumain na kaya siya? Kumusta kaya siya? Sino kayang kasama niya? Gaya ko, iniisip nya rin kaya ang nakaraan?

Nasan ka na ba?

Ilang araw pa at bumalik na rin ako ng Manila pansamantala para ayusin ang mga naiwan ko doon. Ibinenta ko na rin ang aking restaurant at ilang mga ari-arian na naipundar dito sa bansa bago ako tuluyang bumalik ng Spain.

Ilang buwan, araw, oras at segundo ang lumipas, unti-unti na rin akong nasasanay na mag-isa, siguro matagal pa bago ako makakalaya sa lungkot pero ang mahalaga ngayon ay unti-unti kong natatanggap ang katotohanan na ako na lang mag-isa ang maglalakbay.

At kung muli man kaming pagtagpuin ng tadhana, kung muli man kaming paglaruan ng panahon, sana sa oras na 'yon handa na muli akong masaktan.

Hanggang sa muli,

Hanggang sa sunod nating pagtatagpo.

Hanggang dito na lang.

Lumipas ang maraming oras, araw, linggo at buwan, 8 months to be exact. I'm still hoping na makikita kita, na baka isang araw maisipan ni Bathala na pagtagpuin tayo muli. Iniwan ko lahat ng mapait na nakaraan sa Pilipinas at lumipad patungo sa Spain bago lumipat nang tuluyan sa Japan. Nagsimula ako sa simpleng buhay, malayo sa kinasanayan ko. Siguro nga malaki ang naging aral ko mula sa nakaraan, marami akong natutunan mula sa mga pait at sakit na ibinigay mo. Masyado akong naging kampante sa mga bagay na malabong mangyari, masyadong naniwala sa mga bagay na alam ko namang imposible.

Aaminin ko, mahal pa rin kita. Hindi pala ganun kadaling makalimot, hindi pala ganun kadali ang lahat.

"Hijo, are you ok? Pwede ka na magsimula..." - Priest

"Bless me, Father, for I have sinned."

Kasama sa pagbabagong buhay ko ang paghingi ng kapatawaran sa mga bagay na ginawa ko.Mga bagay na matagal ko ng itinatago.

"Forgive me, father... May pinatay po akong tao" I whispered.

Halata ang pagkabigla niya sa sinabi ko, "Hijo, ituloy mo ang pagkukwento."

"Bago po kami nagpunta ng Batanes ng kaibigan ko, he was stabbed by his boyfriend. I love my friend, literal na mahal. So the night bago pa man kami umalis ng Manila, nagkaroon ako ng pagkakataon para hanapin si Max, ang kinakasama niya noon. I killed that damn guy, binugbog ko siya hanggang sa magmakaawa siya para sa buhay niya. "

"Oh God..."

"I'm not finished yet father, let me continue. I don't have choice but to kill him, he's a piece of shit sa buhay ko at sa mga plano ko. Buong akala nila it's Theo that killed him, fool them. Ginawa ko lang 'yon para kay Theo, sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya. But I never thought that he will be blamed for this."

"Pinagsisisihan mo na ba ang nagawa mo?" He asked.

Masama ba akong tao kung sasabihin kong masaya ako sa ginawa ko? Na masaya ako sa nangyari? Masama ba akong tao kung sasabihin ko ang totoo na ginusto ko 'to?

Am I a devil kung sasabihin kong ito ang pagkakamaling ni minsan hindi ko naisip at ninais na itama?

"Anak, inuulit ko pinagsisihan mo ba ang nagawa mo?"

Pinagsisisihan ko ba?

Love, Lust, And Lies (SELF-PUBLISHED/ SIGNED STORY UNDER GOODNOVEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon