Ibiza, Spain

457 17 28
                                    


2017

It was a hot summer afternoon in Spain. I can still remember the beautiful seashore view from my hotel room balcony, the fine white sand of the area, and the fresh salty air that touched my skin. It was indeed relaxing! A boring day for some but a peaceful hour for someone who's totally stressed about the shitty games of the world, like me. I can still remember the sound of the guitars being played by locals selling fresh fruits on the road side.

Naaalala ko pa kung paanong nagsimula ang lahat. Tahimik ang buong paligid, tanging paghampas lang ng alon at ang malayang paglalaro ng mga ibon sa himpapawid ang maririnig. Nakatayo ako noon sa balkonahe ng aking kuwarto habang pinapanood ang magandang tanawin na aminado akong minsan ko lang masilayan.

Payapa, masarap nga pala ang maging malaya.

Saglit akong nag-shower at nagbihis bago tuluyang nagtungo sa isang museum malapit sa aking tinutuluyan. Kaiba ang mga museyo rito sa Espanya, 'di gaya ng sa Pilipinas na amoy mo mula sa pagpasok pa lang ang kalumaan ng mga pinturang ginamit sa mga painting. Kaliwa't kanan, hindi mo mabibilang ang dami ng mga turistang naglilibot sa loob. Napukaw ang aking atensiyon sa isang painting na tila ba hindi gaanong pinapansin ng mga tao, isang pamilyar na imahe.

Hindi ko na namalayan na ilang minuto na pala akong nakatayo sa harap ng larawan na ipininta ni Don Tucio, isang sikat na pintor dito sa Spain. Hindi ko rin akalain na dito ko makikita ang sikat na larawang ito. Ilang ulit ko na ring nabasa sa mga magazine at libro ang pangalan ni Don Tucio.

"Is it great?" tanong ng isang estranghero.

Hindi ko siya hinarap, nakapako pa rin ang tingin ko sa larawan.

"Did you know that Don Tucio is gay?" pagpapatuloy niya na tila ba pinipilit agawin ang atensiyon ko.

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. Hindi ako nagpunta sa Spain para sumagap ng tsismis, ayaw kong makipagdiskusyon pero mukhang sinasagad niya ang pasensiya ko.

"Just because he painted this doesn't mean he's gay. There's always something behind everything. I just learned earlier that Don Tucio's inspiration for this painting was his body," I explained.

"He is gay . . ."

"This painting is literally a painting of a naked guy with an erected dick. He's laying down on the grass while it's raining. What's gay about it? All guys have dicks. It's normal," pagpapatuloy ko.

"Well . . ." Huminga siya nang malalim at natawa sa naging sagot ko bago umalis sa kinatatayuan niya.

Patuloy akong tumitig sa larawan, hanga rin naman ako sa galing ni Don Tucio. Hindi ako magaling sa pagpipinta ngunit masasabi kong ibinuhos niya ang lahat ng emosyon niya habang ginagawa ito.

Ilang minuto pa ay lumabas ako ng Museum at naglakad-lakad. Since this is my second day here in Ibiza, I want to discover and explore more by myself. Ayoko naman na masayang ang araw ko sa kaiisip at kapoproblema sa buhay.

Matapos ang ilang minutong paglalakad ay naupo ako saglit sa isang bench kung saan tanaw mo ang malaking parte ng Ibiza. Nagsindi ako ng yosi at hinithit ito, ramdam ang init ng usok sa aking lalamunan . . . sabi nga nila, pantanggal ng stress. Malamang alam n'yo na kung anong klase akong tao, isang problemadong indibidwal at busy na empleyado mula sa mausok na lugar ng Maynila.

"Narating na rin kita, Spain," bulong ko sa sarili ko.

By the way, I'm Timothy Escañez. I'm a freelance photographer as sideline and a creative writer sa isang sikat na kompanya. So if you are wondering kung bakit ako nasa Spain, yes, tama ang nasa isip n'yo, dahil sa trabaho. I was sent here by my company para sa isang business meeting and I am their representative. At the same time, magandang opportunity na rin para makapag-relax at makakuha ng inspiration sa bago kong susulating libro.

Love, Lust, And Lies (SELF-PUBLISHED/ SIGNED STORY UNDER GOODNOVEL)Where stories live. Discover now