Fake Smiles

44 2 1
                                    

Nagising ako na wala na sa tabi ko si Theo, malamang naliligo na 'yon gaya ng lagi niyang ginagawa sa umaga. Bumangon ako para sana magluto sa kusina pero napansin ko na nakapagluto na si Theo, hinanap ko siya pero wala siya sa banyo. Natagpuan ko siya sa tabing dagat, nakatayo sa dalampasigan at nakatitig sa kalmadong alon. Hindi siya kumikibo, nakatitig sa kawalan.

Baka gusto na niyang bumalik ng Manila, araw-araw walang oras na hindi siya malungkot, madali siyang mapangiti pero mas madali siyang malumbay. Baka gusto na niyang bumalik sa kanya. Baka lang naman, baka pati sa'kin malungkot na rin siya.

Nagtungo ako sa banyo para magsipilyo at maghilamos, tinitigan ang sarili sa salamin. Pinilit kong ngumiti, lumabas ako at lumapit sa tabi ni Theo. Nakatitig pa rin siya sa alon, tila ba hindi napansin ang pagdating ko.

"Kumain ka na ba?"Tanong ko sa kanya
"Oo, alam ko itatanong mo na naman kung ayos lang ba ako. Huwag kang mag-alala, ayos lang ako. I just need some time, space, and I need myself."
"May problema ba? Bakit ang lungkot mo?"

Hindi siya sumagot, naglakad siya papunta sa tubig at inilubog ang buong katawan. Nanatili siya sa ilalim ng tubig, maya-maya ay umahon na siya, "Una na ako sa taas." Dumiretso siya pabalik sa bahay.

Bakit ganun? Ano bang nangyayari? Galit ba siya? Nagtatampo? May problema?

Nangako akong hindi ka iiwan, kaya kahit masakit pipilitin kong lumaban. Hindi ako sanay na ganito tayo, hindi ako sanay na hindi tayo ayos, hindi ako sanay na hindi ka na masaya sa akin.

Masyado mo akong sinanay sa mga bagay na alam ko namang pansamantala, ang tanga ko lang sa parte na nakalimutan kong kahit anong oras pwede kang mawala.

Papasok na rin sana ako sa loob ng bahay nsng makita ko si Ford na bumaba mula sa sasakyan niya. Kumaway siya sa'kin at nakangiting nagalakad palapit.

"Sabi naman sayo darating ako e. Ano? Dating gawi?" Tanong niya.

"Anong dating gawi?" Pagtataka ko.

"Miming..." Sagot niya.

"Miming??"

"Swimming, tara na." Hinigit niya ako pabalik sa tabing dagat, inilapag niya ang bag niya sa buhanginan at naghubad ng damit.

"Mamaya na, mag-almusal ka na muna. " Biro ko sa kanya.

"Hindi na, ano na? Tatayo ka lang ba diyan at panonoorin ako? Tara na!"

Naghubad na rin ako ng shorts na suot ko, nakaboxer lamang akong sumugbo sa tubig. Bumalik sa akin kung anong saya ng nakaraan namin.
Naaalala ko kung paano kami nagpapaligsahan sa paglangoy dati, kung paanong tumatakas kami sa gabi para maligo ng dagat, at kung paanong natuto akong lumangoy mag-isa.

Kaya siguro natuto akong mabuhay mag-isa, dahil bata pa lang natuto na akong laruin ang alon.

Lumangoy kami pailalim, sabay na sinugbo ang malinaw at malalim na dagat. Habang lumalangoy ay hinawakan niya ang kamay ko, humarap sa'kin at ngumiti. Sinenyasan niya ako ng "ok", tumango naman ako.

Matapos mapagod sa kakalangoy ay naupo kami sa may batuhan, habang nakalubog ang aking mga katawan sa tubig.

"This time, baka gusto mo ng sumama papunta sa US? Baka nakapag-isip ka na. " He asked.

"Alam mo namang hindi madali para sa akin 'to."

"Again? We will be in our separate ways, minsan na nga lang uli tayo nagtagpo sa panahong hindi na naman pwede. Life is really fucking us hard, napakahardcore."

"I cried that day na umalis ako, siguro totoo naman yung naramdaman ko dati. Sana ikaw rin, it's just na kelangan kong sumunod sa gusto ng pamilya ko na bumalik kami sa Spain, that time kasi kailangan magpabalik-balik ni mom and dad sa Spain at Italy, para sa business. Sinumpa ko na kung magkikita tayo muli, igagrab ko na ang chance." Paliwanag ko.

Love, Lust, And Lies (SELF-PUBLISHED/ SIGNED STORY UNDER GOODNOVEL)Where stories live. Discover now