Hard On

63 2 0
                                    

Mahirap palang nasanay kang nariyan siya, nariyan sa tabi mo sa oras na magigising ka. Mahirap pala na masyado kang nagmahal, mahirap na masyado mong binigay lahat. Wala namang nagsabi na ganito pala katanga ang magmahal, ang alam ko lang may masasaktan pero walang nagsabi na ganito kasakit.

Ikalawang linggo na simula nang mawala siya. Gabi-gabi akong umiiyak, gabi-gabi ko siyang iniisip, nangungulila ako sa pagmamahal niya, sa kanya. Nakakabaliw, hindi ko na alam kung anong gagawin at anong dapat isipin.

Hindi na rin ako nakakakain nang tama, hindi na lumalabas ng bahay at hindi na rin nakakatulog kaiisip kung nasan na siya, kung ayos pa ba siya, o kung ano na ang nangyari sa kanya.

Umiiyak ang gabi, nakikidalamhati ang buwan sa aking kasawian. Hindi na kumikinang ang mga bituin at malamig na hangin na lang ang yumayakap sa'kin. Mahirap isayaw ang sarili sa gabi, mahirap sumayaw nang walang kapareha, mahirap matulog kung amoy mo na lamang ang kasama, mahirap ng wala ka.

Nasan ka na ba Max?

Habang nakatulala sa maliwanag na parte ng syudad, biglang nagring ang cellphone ko. Nagmadali akong kunin ito sa pagbabakasakaling si Max na ang tumatawag. Pero hindi, it's just my assistant.

"Hello, sir Timothy?"

"Hmm."

"Sir, may gusto po kasing kumuha sa inyo as photographer."

"Cancel it."

"Pero sir..."

"Cancel it." Pinutol ko na ang tawag.

Simula ngayon, I have to stand on my own and live far different from the day na narito pa si Max. I have to be brave while waiting for him to come back.

Habang naghahanap ng bagong restaurant na makakainan, napansin ko ang isang bagong bukas na Italian Restaurant na hindi kalayuan sa condo ko. Pagpasok na pagpasok ko napansin ko agad ang mga larawan na kinunan ko, nakasabit ito sa mga dingding. Sinundan ko ang hanay ng mga larawan hanggang sa dalhin ako nito sa isang painting.

Years ago, he painted me naked and now it's on his wall.
I got my smile back, my tears are about to fall pero isang pamilyar na boses ang na rinig ko mula sa likuran.

"You like it?" It's Gael

"So ito pala 'yon."

"I haven't seen you in a while, kumusta? You wanna eat something? Come on let's take a seat."

Napansin ko na agad ang dami ng tao sa kanyang restaurant, mukhang mabenta nga at amoy pa lang ng mga sineserve na pagkain ay alam mo ng masarap.

"Itinuloy mo na ang pagluluto, what made you shift your career? Dati ang alam ko inis na inis ka kasi nag culinary ka, and now you're cooking."

"Wala eh, hindi na bumenta ang mga paintings ko, so I tried choosing another path. I closed my art gallery in Spain. Teka, bakit mag-isa ka? Where's your boyfriend?"

"Max?"

"Yeah..."

"..." Pinilit kong ngumiti na lang at hindi sumagot.

"Oh, I see.... Well, nga pala, everyone loves your photographs. Lahat sila nagtatanong kung pano ka raw macontact, alam mo if you want, we can sell more of your editorial photographs sa mga crazy fashion designers in Italy. They love arts like these, weird pero sure ball na kikita ka. "

"What if, ikaw naman ang pag-usapan natin? Bakit hindi mo iexhibit ang mga paintings mo dito sa Pilipinas? Baka malay mo dito ka swertihin."

"Naiisip ko na rin yan before but nah, I left painting life in Spain. There's no way na ibabalik ko yun sa buhay ko. Last paint ko yung painting mo, that's it."

Love, Lust, And Lies (SELF-PUBLISHED/ SIGNED STORY UNDER GOODNOVEL)Where stories live. Discover now