ANG BABAENG NASA LIKOD NG MASKARA

5 0 0
                                    


pangalan nya'y tanya
napakagandang dalagita
na kahit sino mang binata
nahuhumaling sa kanya

pakinggan mo kanyang tawa
ito'y di nakakasawa
titigan mo kanyang mata
parang nagniningning na tala

talang nagkukumislap sa langit
mahalin mo man sya ng pilit
ilaw sya sa isang madalim
na pilit mong inaalis

ngunit aking napapansin
sa kabila ng kanyang titig
tila may tinatagong lihim
ito'y napakalalim

kanyang mukhang napakaamo
ito ba'y may tinatago?
nakasuot kaba ng maskara
na di makita ng iba?

kakaiba, nakakapang iba
nakikita kang masaya
ngunit iba ang nasa iyong mata
may lungkot na nakikita

bakit iyong tinatakpan
ang malungkot mong nakaraan?
malalim ba ang iyong sugat?
kaya di mo pinagkakalat?

masaya kang titigan
ngunit masakit kang pagmasdan
ako'y nahihirapan
walang magawang paraan

paano mo nakakaya
ang mga problema?
ikaw ba'y okay na
kahit nahihirapan kana?

gusto ko mang magsalita
datapwat umuurong aking dila
d ko alam saang mag uumpisa
kung yayakapin ka ba talaga

at dumating ang araw
at ako'y dumalaw
yinakap ka ng patalikod
at ika'y humagulhol

"kaibigan ako'y andito lang
ano ba ang iyong problema?
bakit ikaw ay nagkaganyan?
nalulong sa nakaraan"

at bumulong ka sakin
"munti kong kaibigan
ako'y okay lang
ito'y pagsubok lamang"

at doon ika'y umalis
at ngumiti ng matamis
pinunasan ang luha
pilit na kumakawala

nagpapanggap ka nanaman
at ako'y nasasaktan
sino ba ang may kasalanan?
walang awang ika'y sinaktan

patuloy ka sa pagpapanggap
at ito'y d ko matanggap
ngunit ako'y kaibigan lamang
walang karapatan magdemand

kahit ganun man
sana ika'y maging masaya
kahit ako'y wala na
oh, munti kong kaibigan

nagngangalang tanya
ang babaeng nasa likod ng maskara
ika'y kahanga-hanga
di kita malilimutan.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TULA PARA SA LAHAT❤️Where stories live. Discover now