•KAHIT AYAW KO NA•

15 0 0
                                    

Tulang sinulat ko para sa EX ko

•KAHIT AYAW KO NA•
Habang nakatulala ako
Sa isang dako
Naalala ko na naman
Ang iyong mga pangako
Pangakong tayo hanggang sa dulo
At ipagsisigawan moko sa mundo
Pero lahat ng iyon
Ay nawala sa isang laon
Pagmamahalan natin ay natapon
Saka dahilanang ako'y napagod
Napagod sa pag iintindi sayo
Na napunta sa isang gulo
Gulong di ko inaasahan
Maghihiwalay tayo ng tuluyan
Naalala ko pa
Yung mga sinabi mo sakin
'MAHAL KITA NG LABIS
SANA AKO'Y INTINDIHIN
AT DI MO KO PAGSAWAAN
AT ITAPON ANG ATING PAGMAMAHALAN
SA ISANG IGLAP LANG'
Ha! ang corny mo pala
Nadali mo ako jan sa mga salita
Salita mong lumang luma na
Di na mabilang ang mga babaeng nauto dahil lang jan
Naalala ko din
May sinabi ka pa sa akin
'MAHAL! IKAW LANG TALAGA
MAMATAY AKO PAG WALA KA
SANAY AKO'Y TANGGAPIN MO PARIN
SA KABILA NG SAKIT NA AKING NADULOT
SA PUSO MONG WASAK NA WASAK NA
AT HIRAP NG HUMINGA'
Pero ba't ganun ?
Hanggang ngayon
Buhay ka padin
At humihinga ng malalim
Tangna! Nadali na naman ako
Nang di ko namamalayan
Ako pala'y nauto mo
Isang buntong hininga
Nanaman ang pinakawalan ko
Nang ako'y mapagtanto
Na may sinabi ka pa
Ng hiwalay na tayo
Ng mahigit anim na buwan
Nagchat ka sakin
'KUMUSTA KANA? NAALALA MO PA BA AKO? YUNG LALAKING MAHAL KA HANGGANG MAGUNAW ANG MUNDO? OKAY KA LANG BA?
NIMINSAN BA NAALALA MO DIN AKO? SIGURO HINDI NOH? MAY BAGO KA NA BA? SANA WALA PA AT AKO'Y TANGGAPIN MO AT MAGKAMBAK TAYO'
Tangna na naman
Ang kapal ng iyong mukha
Nadaig mo pa
Ang mga mahihirap at dukha
Namamalimos ka ba?
Ng pagmamahal ko?
Na niminsan di mo iningatan ng husto
Sorry di ako tanga
Ibahin mo ko sa kanila
Ayoko ng maging martyr
At umiinom ng beer
Para lang kalimutan ka
At lahat ng ating alaala
Bukas, makalawa alam ko
Di na ako laman ng puso mo
Kaya umiiyak na naman
At dinadama lahat ng sakit at pighati
Na iniwan mo saking puso at isip
Dalawang buntong hininga
nanaman ang ginawa ko
TAMA NA!
AYOKO NA!
WAG MO NA AKONG GAWING SHUNGA
DI NA AKO TULAD NG DATI
DATING MINAHAL MONG EWAN KO BA
PEKE BA O TOTOO!
OO! INAAMIN KO
DI AKO PERPEKTONG TAO
DI KITA MAPAPATAWAD
SA ISANG IGLAP LANG
DAHIL DI KO KAYA
DI KO KAYANG PATAWARIN
ANG TAONG NAGDULOT SAKIN
NG KALUNGKUTAN AT SAKIT
tama na!
Ayoko na!
Kahit minsan di kita nakalimutan
Tandaan mo yan
Di pa man ako fully na nakamove on
Pero sisiguraduhin ko sayo
Di na maibabalik ang dating TAYO
Di ko hahanapin
ang tao para sakin
Dahil naniniwala ako
Na ibibgay yan ng Dyos
Sa tamang panahon at sa tamang TAO
Huling mensahi ko sayo
Kalimutan mo na ako
At itigil na natin to
Maghanap ka ng ibang babae
Na mas better pa sakin
Yung kayang ibigay pati oras
At kaya kang mahalin ng di mo pa nadadanasan
saking tangang boring na mahalin
kahit kailan di kita malilimutan💓

Thank you sa pagpapatuloy na pagbabasa kung may probs kayo
You can piim me 🤓💓

~silentWriter

TULA PARA SA LAHAT❤️Where stories live. Discover now