TULA PARA SAYO KAIBIGAN KO💓

17 0 0
                                    

Pag ibig
Pitong letra
Pero napakamaharlika
Kaya kang gawing tanga
At magmukhang kawawa
Madaming naloko
Sa sa salitang ito
Yung akala mong totoo
ikaw pala ay nauto
Di mo man ninais
Na siya'y umalis
At iyong namimiss
Kahit masakit na
Iyong tinitiis
Nagpapakamartyr
Umiinom ng beer
Kasama iyong mga peer
Na kung makaadvice
daig pa si Vice
Bagama't nalasing
mga hinanakit ay nagigising
Sisigaw bigla
'BAKIT IKAW PARIN'
Masakit man isipin
Pero dapat tanggapin
Sa pagmulat ng iyong mata
Ikaw ay napatulala
Iniisip na
Di sapat ang ininom na alak
para sa puso mong nawasak
Sa isipa'y tinatak
'DI NA IIBIG SA TAONG DI TIYAK'
Nalulungkot ka man
Pare, huwag maghinayang
Madami pa namang iba jan
Di mo lang nakikita
Sapagkat iyong binabalewala
Atensyon mong nakatuon lang sa kanya
Na animo'y wala ng iba
siya lang talaga
BAKIT NGA BA?
PRE! Kung masakit na
At hindi mo na kaya
Oras na siguro na
Palayain siya
May buhay ka din
Di ka manhid
Nasasaktan rin
Siguro may mga bagay lang talaga
sa mundo
Na minsan inaakala
mong para sayo
Yung dumating lang siya panandalian
Tapos mabilis din lilisan
Laging tatandaan
Pag-ibig lang yan
Hindi nakakamatay
Kaya ika'y MASANAY💓

TULA PARA SA LAHAT❤️Where stories live. Discover now