•MUSTA•

12 0 0
                                    

•MUSTA•
Salitang kinakatakutan ko ng sobra
Minsan ay aking binabalewala
Kapag ito'y tinatanong nila
Sa akin na puno ng pag asa
Na makalimot sa lahat ng problema
Tuwing ito'y aking naririnig
Luha ko'y tumutulo pero
Pinipigilan ng pilit
Nagpapanggap na OKAY LANG
Kahit ni minsan
Hindi naman
Masakit mang isipin
Ang salitang iyan
Ang nagpabuhay sa malungkot
Kong realidad
Realidad na dulot
ng hinanakit at sakit
Puso ko'y binibiyak ng paulit-ulit
At unti-unting sumisikip
Di makahinga ng tama
Pinipilit ang bibig ay ibuka
At maging masaya
Sa harapan at mata nila
Alam ko
Ni minsan di ako nagpakatotoo
Nagbibiro sa barkada
Kahit nagmumukhang shunga
At kaawa-awa kill
Di alam kung anong sasabihin
Problema ko'y di maamin-amin
Sapagkat di nila alam
Ang tumatakbo sa aking isipan
Titigan mo man ang aking mga mata
At kasabay ng aking pagtawa
Ito'y magkaiba
Tinatakpan ng napakalaking maskara
Maskarang nagsasabing OKAY AKO
Kahit di naman totoo
Kailan kaya ako maghihintay
Na maging okay ang takbo
ng aking buhay
Buhay na puno ng kamalasan
at katamaran
Sa pag-ibig ay di mayaman
Sapagkat laging iniiwan
Nang mga taong di dapat palagahan
Kaya ngayon ay nasasaktan
Musta?
Ni minsan di ko narinig sa sarili ko
At sagutin ng taas noo
At di maging peke
Lahat ng aking sinasabi
Musta?
Ni minsan di ko narinig
sa sarili kong pamilya
Pamilyang andyan nga
Laging nakasuporta
Pero wala namang kwenta
Sapagkat ni isa sa kanila
Di alam ang tunay na aking nararamdaman
Musta?
Ang salitang iyan
Gumunaw sa maliit kong pantasya
Sa totoo lang
Ako'y natrutrauma
At napapaisip
Kung sasagutin ko ba o hindi
Kaya'y minsang aking sinasarili

Sa puntong ito
OKAY LANG AKO
Huwag nyo na akong tanungin
Marahil ako'y nanalangin
Na sana'y ito'y dinggin
At mawala na ng tuluyan
Ang masakit na nakaraan
na aking naranasan
At ibaon sa limot
Kahit nasasaktan na at pilit kinakalimutan.

Hope you enjoy it
Kung gusto nyo ng tula ko please comment gagawan ko kayo pagkatapos ko marinig hinanakit nyo :'>
God blessed you all💓🤓
~silent writer

TULA PARA SA LAHAT❤️Where stories live. Discover now