TO MY FUTURE HUSBAND❤️

26 0 0
                                    

Kung saan ka man ngayon
Sana ito'y mabasa mo
Tulang sinulat ko para sayo
Oh, aking  Ginoo
Kung sakali lang
Matagpuan kita
At gumawa tayo ng
Masasayang alaala
Sana iyong matanggap
Ugali Kong napakahirap - hirap
Unawain  sapagkat
Puno ako ng kabaliwan
Kabaliwan na di maintindihan
Kung bakit di katulad ng karamihan
Marahil ako'y nag iisa lang
Na babaeng konserbatibo
At puno ng motibo
Idagdag pa ang mga talento
Na gusto Kong ipakita sayo
Punan Mo pa ang aking
kakaibang talino
Na minsan nagiging lohiko
At inaaaway ka kaya't nagloloko
Ako'y magagalit at magtatampo
Kahit kasalanan ko po
Ganun ako kabaliw
Oh, aking giliw
Sana'y may mataas kang pasensya
Pag ako'y tinotopak na
Subalit kung ika'y magalit
Wag mag alala
Susuyuin kita

TULA PARA SA LAHAT❤️Where stories live. Discover now