•Sampung PANGUNGUSAP•

22 0 0
                                    

•SAMPUNG PANGUNGUSAP•

Isa... Isang beses na naman akong umasa
Dalawa... Dalawang beses akong nagpakatanga
Ako'y iyong pinaniwala
sa iyong mga salita
Tatlo... Tatlong beses ang
luha ko'y tumulo
Isipan ko ngayon ay gulong-gulo
Apat... Apat na beses ako
sayo'y nagtapat
Nagtapat ng damdamin
Na sanay di ako umamin
Kaya ngayon nakatulala sa salamin
Lima... Limang beses akong natuwa
Sa isang lingon lang nya
Puso ko'y natataranta
Na para bang hinahabol ng aso't pusa
Anim... Anim na beses
ako'y nanalangin
Na sana sya'y mapasakin
Pito.. Pitong beses akong nagpauto
Sa mga kilos at salita
niyang nakakamangha
Na kahit sinong babae
ay mapapasagot nya
Walo... Walong beses ako'y napaso
Napaso ng magkadikit
ang aming balat
Sa dami ng taong nakakalat
Siyam...Siyam na beses
kitang inasam
Na ako'y pansinin mo
Ng magtagpo ang mata mo
at mata ko
Sampu... Sampong beses
akong bumuntong
Bumuntong ng hininga
Dahil sa di makapaniwala
Na pareho tayo ng nadarama

Sa puntong ito
Ayoko ng umasa sayo
Tama na ang  SAMPUNG PANGUNGUSAP
na sana ako'y iyong matanggap
Kahit imposible at mahirap
Imposibleng maging tayo
At mahirap umasa sa taong
Di naman kapani-paniwala
Na mahalin ang isang tulad kong
TANGANG HUMAHANGA
sa isang katulad mong PAASA🥀

GOD BLESSED YOU ALL
THANKS FOR READING. Have a good day ❤️
  
                       

    

TULA PARA SA LAHAT❤️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora