AALIS... BABALIK...

20 0 0
                                    


•tula para sa INIWAN at di BINALIKAN•

Isa na namang kwento
Ang sisimulan ko
Ibahagi sa inyo
Sa ating buhay
Na puno ng SAKIT
At PAGDADALAMHATI
Saan ba tayo nagkulang?
Sa pagiging DUWAG ba?
O sa pagiging MATAPANG?
Na hinahangad lamang
ay mahalin at ALAGAAN
Pero bakit patuloy
Paring tayong UMAASA?
Sa isang pantasya
At patuloy na Iniiwan
Ng mga taong nangako
Sa atin pero pinako
Lang sa isang pako
Lahat ng pangako
NAKAKAGAGO

Ang buhay ay parang
Isang pasahero sa JEEP
Alam nyo kung bakit?
Bagkus pagsumakay ka
Kung saan-saang lugar
Na di mo pa nakikita

Nag eenjoy ka masilayan
Ang mga tanawin
Na gusto mong tawirin
Sa pagsakay din nito
Madami kang makikitang
Iba't- ibang uri ng tao
May taong sumakay lang
Kasi kailangan
May taong sumakay
Dahil may pupuntahan
May taong sumakay
Upang hanapin ang sarili
At baguhin ang takbo ng buhay
May taong sumakay
Datapwat may gagawing
Kalokohan at gustong
Manakit ng kapwa
Dahil kailangan
At sa hirap ng buhay

Ngunit sa pagsakay ng JEEP
Di mo maiwasang malungkot
At magsimangot
Dahil may mga pasahero
Na kailangang bumaba
At IWANAN ka
Sapagkat mayroon din sila
Na tatahaking landas
Nakailangang wala ka
Aalis lang sila
Di ka IIWAN
May aasikasuhin lang
Matuto kang maghintay
Pero huwag panghabang BUHAY
Sapagkat masakit isipin
Na iiwan ka
Ngunit di ka na babalikan.

Itong kwentong ito
Para sa inyo to

Mga kapwa kong
Naghihintay parin
Sa mga taong minahal natin
Laging tatandaan
UULITIN KO
Worth it maghintay
Pero HUWAG PANGHABANG BUHAY
Dito ko na tatapusin
Ang kwento ko
MARAMING SALAMAT SA INYO 💓

TULA PARA SA LAHAT❤️Where stories live. Discover now