PAGKAKAMALI💔

20 0 0
                                    

•PAGKAKAMALI•
     -Little Chikadora

Naalala ko pa
Nung sinulatan ko kayo ng isang tula
Na ni minsan di ko ginawa sa iba
Kaya ngayon nagmumukhang tanga
Iniisip na bakit ako'y binabalewala
Iniwan sa ere na parang bula
Bagkus tinuring ko kayong isang pamilya
Na magkasalo sa lungkot at saya
Mga alaala nating magkasama
Andyan parin sa puso ko't diwa
Di maalis-alis kahit masakit na
Iniinda kahit nagmumukhang sunga
Sa tabi-tabi di mapariwala
Na para bang GUSTO KO PA
Pero't isipa'y nagsasabing AYAW KO NA
Ayaw ko ng magpakatanga
At muling masaktan pa
Sa isang bagay na walang kasiguraduhan ba mag aayos pa
Hindi nga ba?
Oo! Inaamin ko
Nagkamali rin ako
Nagtiwala ako ng husto
Sa mga pangako nyo
Na unti-unting napapako
Parang isang bisyo
Na mahirap isuko
Kaya inuulit ng ikapito
Sapagkat yung puso ko'y nalilito
Di alam kung saan ang totoo
Pinagmumukhang siraulo
Kaya luha'y unti-unting tumutulo
Sa puntong ito
Bahala na kayo
Ginawa ko na lahat para sa inyo
Tama ng minsan ako'y nagseryoso
Sa pagkakaibigan nating ewan ko
Kung PEKE ba o TOTOO💔

TULA PARA SA LAHAT❤️Where stories live. Discover now