Kaibigan

11 0 0
                                    

ito'y isang salita
gusto kong panghawakan
sa aking pagtanda
aking inaasam

kaibigang andyan
sa tabi ko nariyan
ako'y di iiwan
kahit ako'y may pagkaewan

kasama sa pagtawa
lungkot may di ka iiwan
laging nakaantay
sa pagbalik ko'y naghihintay

kaibigan ang aking sandata
sa mundong maparirala
sa kabaliwan man
oh sa katinuan

ngunit ako'y nababahala
may tunay ba sa kanila?
oh sadyang ako'y nahihibang
at patuloy na nangangamba

di ko kaya ako'y taksilan
at maranasan ang
masidhing karamdaman
ako'y naloko nanaman

napakadaming karanasan
mundo'y patuloy
akong sinasaktan
sadyang ako'y tao lamang

di na ba ako
pede maging masaya?
at makaranas
ng totoong ligaya?

kailangan pabang
ako'y saktan ng paulit-ulit?
para matuto
at maging manhid?

datapwat may ugali
akong  nakakaumay
isang napakalalang sakit
masyado akong naging tunay

iniiwasan na nga
nangangamba  pa
baka matulad sa iba
siniraan ng kapwa

subalit andito paden
ako'y nangungulit
at nakakairita sabi nila
"nagpapakatanga nanaman"

sa pyisang aking sinulat
kagagawan ng munti
kong isipan
sana inyong mabasa

andito si binibining manunulat
nakaalalay at nakaabang
sa kanto ng kabaliwan
hinding-hindi ka kakalimutan


TULA PARA SA LAHAT❤️Where stories live. Discover now