Chapter 16

977 13 9
                                    

Chapter 16
Kiss


Ilang oras na akong tulala na nakatitig lang sa lawa. Nanalangin na lamunin ng katahimikan ng gubat. Desperado mabingi, nais harangan ang ano mang papasok sa kukote ko. I'm tired of thinking, worrying, and exhausting myself.

A lot has been bothering me ever since I went to their mansion yesterday. Isa na r'yan ay ang pagtulong nga sa amin ni Mave. Kahapon ay sumama siya sa akin para matignan ang gulo sa bahay ni Lola Nita. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin malimutan kung gaano kadali niyang napakalma ang sitwasyon doon.

Nalaman din kahapon na nabili nga ang lupa ni Lola Nita nang maremata ang titulong naisangla niya sa bangko. Ni hindi man lang siya nasabihang iyon ang mangyayari kaya nauwi sa gulo ang lahat. Huminahon ang mga kagaya sa sitwasyon ni Lola Nita sa pangako ni Maverick na aayusin niya lahat at walang dapat na ipag-alala.

However, now that he chose to defy his parents to help us, what will happen now? Sa amin? Sa kanya? Talaga bang hindi na matutuloy ang sapilitang pagbili ng mga lupa o nahinto lang sa pangingialam niya? Alam na ba 'to ng parents niya? Kung ganoon, ano'ng reaksyon nila?

All those questions kept me up all night, bugged and bothered me until now.

Sa totoo lang, higit sa kaba ang bumabalot sa akin. It's a feeling that is deeply intense, you cannot name it or even describe it. The situation is worse because he stupidly admitted he'd help us because of me. Tutulong siya nang hindi nag-iisip dahil lang pinuproblema ko 'to.

Isa pa, anong klaseng tulong ba ang ipaparating niya?

Will it be... financially? Which thinking about it now, makes my gut turn wild. Sana naman ay hindi sa ganoong paraan, sanay walang perang kaakibat doon. Pero kung hindi pinansyal na tulong, ano naman? Maibabalik kaya ang mga lupang nabili na ng AEV? At kung ibabalik naman, papaano ba ang proseso? I mean, ganoon lang kasimple, ibabalik lang? Alam ko namang hindi madali, dadaan iyan sa masusing proseso. Dadaan sa Mama niya o sa Alkalde man. Thinking deeply about it doesn't really help if I have no idea at all.

Damn it.

Though one thing is for certain, Mave's actions, no matter what, will definitely strain his relationship with his parents. Hindi na biro 'to. At kakayanin ko bang dalhin sa konsensiya ko kung tuluyang masira ang relasyon niya sa magulang dahil lang pinili niyang sumuway sa kanila?

Should I text him to ask?

Kakarating ko lang galing ng lawa. Naupo ako sa kama at mariin ang tingin sa phone screen ko. Nagdadalawang isip kung mag-t-text ba ako o hindi. I want to know what is happening now. Sa kanya, sa lupain at sa reaksiyon ng mga magulang niya.

Or is calling him better? I mean... he promised he'd help. Maverick swore in his life he would help us, and I should trust him, right? Hindi iyong atat ako rito na makibalita.

Fuck it. I'll text him.

"Mave, can I know what's happening?"

I read the text I typed. Parang ang demanding masyado kaya binura ko.

"Ano na ang nangyayari?"

The next one is still like the first text. Binura ko iyon. Ilang minuto pa akong napatitig sa screen. Kagat ang likod ng hintuturo at hindi mapakali sa pag-upo.

Surely, I am overthinking this. Text lang naman!

Taly:
How are you?

Halos malaglag sa lupa ang puso ko nang makita ang sent sa screen. Nagawa ko na. I texted him. Alam ko na umuwi siya ng Cebu at tingin ko'y para asikasuhin ang mga lupang nabili na ng AEV.

The Wrath Ablaze (Buenavista Series #2)Where stories live. Discover now