Chapter 14

1K 15 15
                                    

Chapter 14
Diamond


Ngayong ang pinakahihintay na araw nina Maggie buong summer break. Mamaya na ang rave para sa Manggahan Festival. Isa sa mga highlight ng pagdaraos na dinadayo pa ng iba.

They've been busy preparing for this day since the school year ended. Pero sa prangkahang usapan, wala akong ganang sumama. Hindi lang ako maka-hindi lalo na't para raw 'to sa birthday ko. My birthday was last month but the girls wanted me to experience a real party to celebrate the moment I finally reached legality. Pinaunlakan ko na tutal wala namang mawawala.

Napatingin ako kay Sky na naglalagay ng lipgloss sa harapan ng salamin. She pouted a bit and moved her head sideways.

"Talaga bang makakapasok tayo ng VIP mamaya?" tanong ni Maisie kay Maggie na nagkukulot ng buhok sa harapan ng dresser niya.

Tumango si Maggie. Bumaling siya sa amin at kumindat na parang kumpirmado niyang makakapasok kami ng walang problema. Maggie knows her way around, anyway. With her connections, it's very possible. Kilala niya halos lahat ng mga kaedaran namin kaya baka may kilala siyang  magtatrabaho sa loob mamaya. Hindi lang ako sigurado sa totoong plano niya.

"Nakiusap ako kay Ruben na papasukin tayo, eh. Ang sabi naman niya, basta agahan natin, may tickets siyang maibibigay. Kaya bilisan na nating mag-ayos at baka may makauna pa roon sa ticket na sinasabi niya."

"Wow! Thank the heavens above for Ruben!" si Sky na pumalakpak pa. "Gaano raw ba kaaga?"

"Bago pa raw magsipasok at mapuno ang VIP section. Kukunin lang ang tickets tapos puwede namang bumaba sa gen ad habang maaga pa," Maggie explained more while still busy curling her hair.

Tahimik akong nakikinig sa plano nila para sa buong gabi. Of course, their initial and ultimate plan was to drink their hearts out. Ako, hindi pa sigurado. Titignan ko pa.

Kalauna'y bumalik na naman sa akin ang usapan nang matanong nila ako kung maglalasing nga ba ako. The conversation was suddenly dragged from the party to my break-up with Elias. Halos ilang araw na nila akong kinukulit sa hiwalayan namin. Ni hindi ko rin natago 'yon sa paglabas ng bali-balitang may bagong girlfriend si Elias sa Manila. Sky said that Elias' new girl is a known influencer there. Hindi ko alam kung ano iyon pero mukhang sikat at kilala sa Manila ang babae kaya mabilis na kumalat ang tsismis, kahit dito sa amin.

Nang pumutok ang balita sa bagong girlfriend ni Elias, parang babasaging bagay ako kung tratuhin ng lahat. Even when we went to the beach yesterday, most of my schoolmates would come up to me to ask how I was feeling. They weren't directly asking me about the break-up but the way they formed their sentences, ganoon na rin ang punto. They would also look at me with pitiful eyes. Sa akin naman, wala nang issue lalo't magdadalawang buwan na kaming hiwalay. At kung magkagirlfriend man si Elias, masaya ako at suportado siya bilang kaibigan.

Though, I had to stop myself from being so stoic about this topic. Ayaw ko namang isipin nilang wala akong pakialam kay Elias pagkatapos ng relasyon namin. I care, of course. Just not in the way they expect me to.

Sky hurriedly showed Maisie her phone. Napadungaw rin ako sa cellphone screen. It's the video app again. Siguro'y sinu-stalk ulit ang girlfriend ni Elias na sikat sa app na 'yan.

"May bago na namang sweet post," aniya at tinaasan ako ng kilay. "Kaka-umay!"

Nakisali rin si Maggie sa pagdungaw sa video. I was impassive. Pilit na itinatago ang emosyon na magpakita sa hitsura ko. Wala rin naman akong masamang nararamdaman sa video. Ngumuso ako at iniwas ang tingin papalayo sa cellphone ni Sky. Pinasadahan ko ng tingin ang tatlo. Halos matawa sa magkaparehas nilang ayos. Nakahalukipkip.

The Wrath Ablaze (Buenavista Series #2)Where stories live. Discover now