Chapter 18

954 12 8
                                    

Chapter 18
Father


Maverick looked at me intently like an abstract painting he's wishing to interpret. Walang planong umalis kahit ang sabi niya'y hinahanap na siya ng Mama niya.

"You are lying. You don't intend to stay here," bulalas niya. "Plano mong umalis pagkatapos kitang iwan dito."

Nagpakawala ako ng pagod na singhap.

Kailan kaya ako matagumpay na maglihim ng sekreto sa kanya? With Maverick, my one step ahead will always be futile. He knows me more than anyone to know my thoughts, even my next moves. He knew how to counter me before I could do something. This is the biggest disadvantage I have with him. Wala akong kayang maitago sa kanya. Ngayon man o sa hinaharap.

I laughed sarcastically. I know I've been caught but I won't admit it.

"I promised you, didn't I? Didto nga lang ako! Umalis ka na kasi hinahanap ka na ng Mama-"

"Not if you will leave right after I go. Nice try, Tatiana Lynne. Akala mo makakalusot ka sa'kin?"

I know I won't. But will I die trying? Not really. Kaya bakit hindi ko susubukang makalusot sa kanya kahit alam kong imposible?

Umirap ako. "Hinahanap ka nga ng Mama mo! Do you really intend to police me here all night until she eventually finds out about us? Sige. Bahala ka. It's your choice. Dito ka lang hanggang sa mahuli niya tayo!"

He glared at me. Iritado na binabaliktad ko ang usapan.

"Kung mahuli niya tayo, tingin mo hindi niya tayo paghihiwalayin?"

"Then don't be stubborn and stay here," seryosong banta niya.

Mas lumapit siya sa akin.

He rested his massive hands on my waist as if he was claiming them. His hooded eyes greeted me when I lifted my gaze up to him. Dinantay ko ang kamay sa braso niya. By the way he's acting, mukhang wala nga siyang planong iwan ako rito. Wala sa plano niya ang pag-alis dahil alam niyang sa oras na iwan niya ako, susuway ako.

"When was I ever stubborn?" I whined and rolled my eyes.

Humagalpak siya ng tawa. "Believe me, you are always stubborn! Sakit ka sa ulo ko. Binibigyan mo ako ng maraming problema."

Bumagsak ang panga ko, nainsulto sa sinabi niya. I gauged his playful expressions to check if he's being sarcastic or something. Pero kahit na biro, masakit iyong tanggapin galing sa kanya.

"Kung ganoon naman pala, e 'di sana ay hindi mo na ako ginawang girlfriend mo!" I exclaimed angrily. "Sakit naman pala ako sa ulo mo, eh! Binibigyan ka pa ng problema! E 'di maghanap ka ng hindi ka bibigyan ng problema? Simple! What about Ada? She looks like she won't give you problems like I do!"

Nagpipigil siya ng tawa. Mas lalo akong umapoy sa galit.

"Doon ka na sa kanya! Magsama kayong dalawa! Ano?! Iyon ang gusto mong sabihin, 'di ba? Hindi mo pa mai-deritso!" I yelled bitterly.

Mave pouted. "You think I should do that? Find someone easy instead?"

Nanuyot ang lakas ko. Hindi na naisarado ang pangang nalaglag sa pinagsasabi niya. Tinutuya niya ako at nasisiyahan pa. I pushed his hard chest away from my body. Lumayo siya kaunti pero dahil sa kamay niyang nasa baywang ko, agad siyang nakabalik sa posisyon.

He sprung back and held me much closer. The way he lazily drew circles on my bare back now sent shivers to my spine.

"Tingin mo 'yon ang dapat kong gawin? Maghanap ng madaling relasyon?" he repeated.

The Wrath Ablaze (Buenavista Series #2)Where stories live. Discover now