Chapter 13

995 11 41
                                    

Chapter 13
Heartache


Pagkatapos kong aksidenteng masaksihan ang away ni Ada at Maverick, napilitan akong umuwi. Hindi na rin ako napigilan ni Aliyah lalo't mas inalala niya ang kalagayan ng kapatid. Ada was devastated. Kahit pa sabihin mong pilit niyang tinago ang nangyari sa kabalyerisa, she can only pretend for a short period of time. Aliyah caught on to it easily. Only a matter of time before everyone else at the party would, too. Alam niyang may problema ang kapatid kaya hinayaan niya akong umuwing mag-isa.

I left Galdeano's mansion with a pounding heart but it was for my own sake. Hindi ko maatim na manatili pa roon at makipagplastikan.

Kagagaling lang namin ni Lola Esme sa pag-ani ng mga gulay galing ng taniman. Pinisil niya ang kamay ko upang hulihin ang atensiyon ko. Nakatanaw kasi ako sa kawalan at wala sa tamang wisyo. Nang tignan ko si Lola, sumenyas siya upang tignan ko pabalik ang bahay. When I saw Elias standing in front of our back door, I froze promptly. Nasa bulsa ang isa niyang kamay, habang ang isa'y kumakaway sa amin ng Lola ko.

Sa paninigas ko'y hindi ko na namalayan ang paglapit niya sa amin. 

"Magandang hapon po, Lola," aniya sabay kuha sa kamay ng Lola ko upang magmano roon.

Binalik ni Elias ang tingin sa akin. His aura is different compared to our last interaction weeks ago. Magaan na. I know his Lola died after weeks in the ICU. Kahapon nga ang naging libing sa Iloilo kaya siguro ngayo'y nagkaoras na siyang bumalik ng Buenavista. I pulled Elias for a tight hug before I heard his subtle chuckle because of what I did.

"I am so sorry about your grandmother's passing, Eli..." I whispered.

"It was meant to happen. Masaya akong hindi na siya nagdurusa pa sa sakit, Taly." He broke our tight hug and smiled. "Nasa tabi niya ako sa mga huli niyang sandali kaya wala akong pinagsisihan."

Naupo kami sa pahingahan namin sa ilalim ng puno ng mangga.

Napahawak ako sa pinagtabi kong tuhod. Hindi kumportable lalo't alam kong may dapat akong aminin kay Eli. I need to tell him how disrespectful I was to our relationship by liking another man. I have to say it. I have to be honest and tell him the truth. I owe it to him. Gustuhin ko mang ibuka ang bibig, nanlalamig ako tuwing dinadalaw ng takot at naaalala ang pagkamatay ng Lola niya.

Do I really have to be this cruel to him? Suminghap ako nang kay lalim bago napatingin ulit sa kanya.

"I need to tell you something, Taly." He spoke first with a sense of urgency in his voice.

Gulat akong inunahan niya akong magsalita. Medyo halata sigurong may bumabagabag din sa akin sa patuloy kong pananahimik dito sa tabi niya.

"Ako rin, uh, may sasabihin sana sa'yo-"

"Please, let me talk first." Agarang pagputol niya sa akin. "Pakinggan mo muna ako bago mo sabihin 'yan sa akin, Taly. Ako muna. Is that fine with you?"

I remained quiet. Iniwas niya ang tingin papalayo sa akin bago yumuko.

"Nakuha kasi ako ng isang UAAP team para maglaro ng basketball. Hindi ko na sana tatanggapin ngunit iyon ang huling habilin ng Lola ko sa akin, na ipagpatuloy ko ang paglalaro ko sa Manila."

I reached for his left hand to squeeze it gently. Binalik niya ang tingin sa akin. I smiled.

"That is good to hear, Eli! Pangarap mo 'yan mula noon pa, hindi ba? Ano'ng problema roon at ba't mo sana tatanggihan?"

"Para manatili rito sa'yo, Taly..." he uttered hesitantly. "Pero tingin ko'y pagsisisihan ko kung hindi ko 'to ipagpapatuloy. Para na rin sa Lola ko. Actually, luluwas na ako bukas para i-proseso ang mga kinakailangan sa school kasi sasali ako nang mas maaga sa training para sa pre-season games."

The Wrath Ablaze (Buenavista Series #2)Where stories live. Discover now