CHAPTER 20

69 14 6
                                    

Lie.

Even a shallow lie can still break trust.

Two days after Zeki and Rebecca's wedding bumalik na ako sa Manila with Shawn.

Dahil bukas ay babalik na ulit ako sa trabaho.  

We stayed in my unit sa Makati. He's always been with me. Hindi pa siya umuuwi sa bahay niya sa Sta.mesa heights sa QC dahil aniya'y mas maganda kapag rito siya.

Ang rason niya ay dahil malapit lang daw dito ang pinapagawa niyang branch for his famous wine company.

Hindi ko rin alam kung bakit pa niya kailangan ng branch sa Makati eh ang lapit lapit lang naman ng Parañaque kung saan ang main ng company niya.

Sa laki ng business niya for sure, hindi niya na kailangan pa ng panibagong branch dahil kusang hahanap ng mga tao ang main tower.

Besides, hindi lang naman ito ang business na aatupagin niya.

Gosh, thinking about how he can handle 3 businesses at one time stresses me out.

I mean, having a big name in the industry he's in, I can't imagine it.

But look at him, he still have so much time laying on my sofa while eating his bread like he doesn't have any meetings to attend at all.

"Wala kang trabaho ngayon?" I asked.

He gesture me to sit beside him and so I did.

"Bukas pa." He said.

I nodded.

Hindi ko na siya kinulit dahil matatalo lang rin ako. Hawak ko ang remote ng TV habang nag uusap kami.

We talked a lot about random stuffs. More like, I talked a lot. Dahil tahimik lang naman siya na nakikinig sa akin.

Like he's enjoying everything that I'm saying to him.

The next day, maaga kaming umalis sa unit ko dahil nag volunteer siyang ihahatid ako sa airport dahil may international flight ako ng 1 pm papuntang Taipei.

One day lay over lang kami roon tapos uwi na agad.

"I'll call you pag nakarating na kami. Bye love." I said to him at akmang lalabas na ng kotse pero pinigilan niya ako.

"What?" Nagtatakang tanong ko.

He gave me a quick kiss. "I love you, take care." He said.

"I love you too." Napangiti ako at muli siyang hinalikan sa labi bago tuluyang lumabas ng sasakyan.

-

"Ladies and gentlemen. This is Penelope Santiago, your captain speaking."

"Welcome aboard, this is flight ADC 2554 and we are presently flying at thirty-five thousand feet on our flight from Manila, Philippines to Songshan,Taipei."

"Time approximately 1 hour and 45 minutes. We are expecting a smooth flight and anticipate an on-time arrival in Taipei at 2:45 pm. Enjoy your flight."

Nang maka landing na kami sa Songshan Airport, nanduon na ang service na maghahatid sa amin papunta sa hotel ng airport.

Nang makarating sa hotel room ko, I immediately opened my social media account to chat with my boyfriend.

You: Hi!

Shawty Salazar: Hey baby.


'Ang cold naman ng poging ito' I chuckle. Mamaya na nga lang.

Kinausap ko ang kakapasok lang na dalawang flight attendant na magiging kasama ko sa hotel room.

The Kismet of Penelope (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon