CHAPTER 8

75 17 9
                                    

Married.

The sky knows you more than this planet does.

"Ladies and gentlemen, this is Penelope Santiago from the front desk, your captain speaking."

At the age of 23, I had my first international flight. Now that I'm 24, I couldn't be more less happy.

"This is Flight SEL 5621 and we are presently flying at thirty-nine thousand feet on our flight from Manila, Philippines to Atlanta Georgia."

"Time approximately 17 hours and 21 minutes. We are expecting a smooth flight and anticipate an on-time arrival in Atlanta at 7:00 GMT. We hope you'll enjoy your flight."

Kahit na madalas ko itong ginagawa sa mahigit isa't kalahating taon ko sa PLA, hindi pa rin nababawasan ang tuwa sa puso ko.

I glance at my co-pilot na si Tatiana na titig na titig sa Navigation controls na nasa harapan namin.

"You nervous?" I asked.

Napalingon siya sa akin at hilaw na ngumiti.

"Opo Capt. medyo kinakabahan. Eto kasi ang first international flight ko," nahihiyang wika niya.

"Talaga?! Congratulations, Captain Versoza!" Nakangiting wika ko.

"Salamat Capt!" Masayang wika niya.

Ilang sandali pa ay kumatok at pumasok ang isang cabin crew.

"Capt, may gusto po ba kayong kainin?" Tanong niya sa akin pagkatapos niyang tanungin si Tatiana.

"Tubig nalang, salamat!" Ngiting sagot ko.

Pang walong international flight ko na yata ito.

Hindi ko alam kung bakit pero naging mabilis ang promotion ko from domestic flights to international flights.

Pero kahit na kataka-taka, nag papasalamat pa rin ako at nabigyan ako ng ganitong oportunidad.

Palitan kami sa pagpapahinga ni Capt. Tatiana.

Siya ang unang niyaya ko na magpahinga muna at nang makabalik siya, ako naman ang nagpahinga sa loob ng cabin.

Nakatulog ako ng halos mahigit kalahating minuto bago bumalik ulit sa cockpit.

Nang mag landing kami sa Atlanta Hartsfield Jackson Airport, sumabay kami ni Tatiana sa mga Cabin Crew para makapag pahinga na rin sa naging mahabang lipad.

"Capt, idol na idol talaga kita!" Wika ni Aidder.

Isa siyang sa mga flight attendant ng flight na to.

Kung saan-saan nalang talaga napupunta ang kwentuhan nila.

"Naks, thank you Aidder!" Natatawang sagot ko.

Kasalukuyan kaming naghihintay ngayon sa sasakyan na maghahatid sa amin papunta sa Renaissance Concourse Hotel.

Mayroon kaming 2 days lay over dito sa Atlanta.

"Magpapa-picture sana ako sayo kaso lowbat ako Capt. kaya mamaya nalang!"

"Di mo pa nga tinatanong kung okay lang kay Capt! Kapal ng mukha." Angal ni Ana sa kanya, isa ring FA.

"Ay oo nga... kung okay lang po sayo," nahihiyang sabi ni Aidder sa akin.

'Aliw talaga tong FA na to.'

"Oo naman, mamaya hahaha," wika ko.

Nang makarating sa hotel ay agad kaming nagpahinga dahil sa pagod sa naging byahe.

The Kismet of Penelope (COMPLETED)Where stories live. Discover now