31

108 14 5
                                    

[Chapter 31]

*****

(JOHN MARK POV)


"Where's John Mark?"

Napalingon agad ako nang marinig ko ang boses ni Khent mula sa labas ng dressing room. Anong ginagawa nya dito?

"May naghahanap sa'yo."- sabi sa akin ng isang staff

Tumango lang ako ng marahan at tumayo na. Pagkalabas ko, si Khent nga. Napangiti siya nang makita nya ako.

"Ayos, you look good."- he said

"What are you doing here?"

"Kukumustahin ka."

"I'm okay."

"Ang Mama mo? Kumusta sya?"

Napatigil naman ako. Oo nga pala, sya ang nagpahiram sa akin kahapon before the game ng pera para sa bill ng hospital.

"She's fine, d-dont worry babayaran ko yung pera na pinahiram mo sa akin."

He laugh ..

"No need , just to stay beside me tonight after a show."

"What?"

"Kailangan ko ba talagang ulitin?"- nakangise nyang tanong

Napalunok naman ako.

"H-Hindi pwede."

Napa-tss naman siya sa sinabi ko.

"Ayan na naman tayo sa hindi pwede mo eh, after the show, John Mark."- he said it again

Hindi ako makapagsalita, hindi ko alam kung anong dapat isagot ko sa kanya eh. Kung maaari John Mark please iwas-iwas, may girlfriend ka! Itatak mo 'yan sa ulo mo. Tsk!

"Let's go."- nagulat ako nang bigla nya akong hatakin paalis mula sa tapat ng dressing room.

"T-Teka saan tayo pupunta?"- tanong ko

Hindi naman siya sumagot, nakangiti lang siya habang hawak-hawak ang kamay ko. Hindi ko alam pero .. bakit ako napapangiti ngayon? Pakiramdam ko parang ang saya ko, pakiramdam ko ang lambot ngayon ng puso ko.

Maya-maya pumasok kami sa loob ng pool area.

"Anong gagawin natin dito?"- i ask

Siya naman tumakbo papunta sa cottage, halatang nasa mood sya ngayon at nakangiti lang.

"Tara."- aya nya

Hindi ako sumasagot, nakatingin lang ako sa kanya. Tsk, kailangan ko bang lubusin tong' nararamdaman ko ngayon? Hays! Bakit ang hirap pigilan?! Natawa naman siya at lumapit ulit sa akin.

"Tara kasi dito."- hinawakan nya ulit ang kamay ko at hinila ako papunta sa gilid ng cottage.

Ngayon ko lang napansin na maganda pala dito, vintage color ang design ng cottage. May mga warm lights pa na nakapaligid.

"Ang romantic tignan hindi ba?"- he ask, marahan akong napatingin sa kanya.

I don't know, but bumilis at lumakas ang kabog ng dibdib ko. A-Alam kong mali, mali na ganito ang nararamdaman ko ngayon para sa kanya. Pero hindi ko mapigilan eh, lalo na dahil nararamdaman ko ngayon ang gustong-gusto kong maramdaman noon pa man. Heto ang pinapangarap ko matagal na, ang sundin ang tinitibok ng puso ko.

"Na-iinlove kana ba sa akin?"- he ask me

Natauhan naman ako bigla at tsaka ko lang narealize na nakangiti ako sa kanya. Hays!

Nothing But The Loveحيث تعيش القصص. اكتشف الآن