32

125 14 3
                                    

[Chapter 32]

*****

"R-Ravelyne sandali."- hinawakan nya ang kamay ko.

*PAAAAKKKKK*

"Huwag mo kong susundan! I hate you!!"- pagkasabi ko nun tumalikod na ako sa kanya pero niyakap nya ako mula sa likuran.

"I-I'm sorry .... I'm sorry ...."- he said

Lumingon ako at tinulak siya.

"Anong sorry?! Ang kapal ng mukha mo! Bakit mo ko sinasaktan ng ganito ha?!B-Bakit?!"

"Hindi ko sinasadya .."

"Hindi?! Huwag mo kong gawing tanga, John Mark! Kitang-kita ko ang nangyari kanina. K-Kitang-kita ko kung paano mo ko lokohin! Sinaktan mo ko!"- tinapik ko ang dibdib ko habang naiiyak sa harap nya. "M-May nagawa ba akong mali? nagkulang ba ako?....saan?.....t-tanggap naman kita ha?..... p-pero bakit ganun? bakit mo ko sinasaktan ng ganito?!.....bakit?!"- hinahampas ko sya sa balikat nya.

"Ravelyne, I'm sorry .. I'm really sorry."

Lumayo ako sa kanya at huminga ng malalim, pinunasan ko ang mukha ko.

"Bakit ba ang tanga ko? B-Bakit hindi ko naisip na ang bakla ay mananatiling bakla?! Ang bakla ay posibleng magkagusto parin sa lalaki kahit na may girlfriend na?! B-Bakit ko ba nakalimutan na pusong babae rin kayo?!"

He look at me softly ..

Kitang-kita ko rin ang mga luhang bumabagsak sa pisnge nya ngayon.

"H-Hindi ko sinasadya, Ravelyne. Hindi ko sinasadya na mahulog ang loob ko kay Khent."

Napahagulgol ako ng iyak at napatakip ng kamay ng ilang segundo sa mukha.

Tumingin ako sa kanya.

"Kaya pala, kaya pala minsan pilit mong sinasabi sa akin na aalis ka sa team nila dahil ayaw mong malaman ko na may namamagitan sa inyong dalawa?!"

"No! Ravelyne kaya gusto kong umalis dahil gusto ko na siyang iwasan. Gusto ko siyang iwasan dahil ikaw ang girlfriend ko."

Napapailing ako ..

"Gusto mo siyang iwasan dahil nararamdaman mong gusto mo na siya?!"

Napatigil siya at halatang hindi alam kung ano ang sasabihin.

"Hindi mo ko mahal, John Mark! Kung mahal mo ko hindi ka papayag na gawin 'yon sa'yo ni Khent dahil may girlfriend ka! Pero dahil sa gusto mo na siya, ginusto mong mangyari 'yon!"

Lumapit sya sa akin at niyakap ako.

"I-I'm sorry, totoo ang sinasabi ko Ravelyne, hindi ko 'yon sinasadya .. hindi ko 'yon ginusto."

Pinilit kong lumayo sa kanya. Tumawa ako habang umiiyak. Baliw ka na, Ravelyne!

"S-Sa dinami-dami John Mark! Tangina bakit si Khent?! Bakit yung kaibigan ko pa?!"

Napayuko siya, pareho kaming umiiyak ngayon. Napapailing-iling nalang ako dahil ayoko na .. ayoko nang makipag-lokohan. Tinignan ko siyang mabuti.

"B-Bakit mo ko nilagay sa sitwasyon na ikakadurog ko?"

Hindi siya sumasagot ..

"Answer me, bakit mo ko nilagay sa sitwasyon na ikakadurog ko, John Mark?!"

"R-Ravelyne .. mahal kita.."- he's crying, hinawakan nya ang dalawang kamay ko

Automatic na panay tulo ng mga luha sa pinge ko.  Napatingin ako sa bandang likod nya. Khent is here ..

Tinanggal ko ang mga kamay nya, huminga ako ng malalim at pinunasan ulit ang pisnge ko. Inirapan ko si John Mark then tsaka ako nagmadaling umalis.

Nothing But The LoveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant