42

90 10 0
                                    

[Chapter 42]


*****


Tumayo rin siya at ngumiti habang nakatingin sa akin. Pero unti-unting nawala ang mga ngiti sa labi ko ..

"Babe, start na ba?"- sabay pulupot sa braso ni Dexter.


X-Xandra is here too ..


Tatalikod na sana ako para umiwas pero hindi ko na magawa dahil palapit na sila sa akin.

"Ravelyne .."- tawag sa akin ni Dexter.

"N-Nandito rin pala kayo, kung gusto nyong umupo doon kayo oh sa harapan marami pang bakante doon."- tinuturo ko talaga sila sa malayo para hindi ko sila makita. Tsh!

"Sige. Doon muna kami."- sabay hawak ni Dexter sa kamay ni Xandra na nakapulupot sa braso nya at tsaka umalis mula sa harapan ko.

Feeling ko maiiyak ako na ewan. Bakit may pa-ganun? B-Bakit kailangan ipakita 'yon sa akin? Nasasaktan ako eh. Napaupo ako ulit sa upuan ko habang nakatanaw sa likod ng ulo ni Dexter.

Nakakalungkot. Ang lungkot sa pakiramdam. Bakit feeling ko wala na siyang pakielam sa akin? Bakit feeling ko hindi nya na ako kilala?

"Ate Ravelyne, bakit po kayo malungkot?"

Tumingin naman ako sa kay Erich, pinilit kong ngumiti.

"H-Hindi. I'm happy."- i said then ngumiti ako ng bahagya.

Ngumiti naman si Erich then may kinuha siya sandali, pagtingin ko isang rose na gawa mula sa papel.

"Ate Ravelyne, para sa'yo po."- sabay abot nya sa akin.

Napangiti naman ako.

"Thank you, Erich. Ikaw ang gumawa nito?"

"Opo. Ilagay po natin sa taenga nyo."

Kinuha nya yung paper rose sa akin then nilagay nya sa gilid ng taenga ko.

"Wow. Ang ganda nyo po, mukha po kayong Angel."- sabi nya, natawa naman ako.

"Magugustuhan na po kayo ni kuya Dexter."- nabigla ako sa sinabi nya.

"Erich."- saway ko, tapos tumingin ako kila Dexter. Tssh! Sobrang makakapit sa braso ni Dexter 'tong Xandra na 'to.

After program nagsi-kainan na ang lahat, dahil kami ang guest, nasa iisang lamesa kami. Katabi ko si Mommy at ate Garnett while katabi naman ni Mommy si Daddy at katabi ni ate Garnett si kuya Raven.

At katapat ko 'tong dalawa. Tsh! Sarap umalis dito, nakakasira ng mood.

"How's your Mom? Bakit hindi siya nakarating?"- Mom ask to Dexter

"Sorry tita Charlene, medyo sumama po kasi ang pakiramdam ni Mommy kaya ako nalang ang pinapunta nya dito."- Dexter answered

Ah so dapat pala talaga, sila Tita Rovi ang pupunta dito.

"She's your girlfriend?"- biglang tanong ni Daddy kay Dexter, tumingin ako sa kanya.

"Yes tito Ravil. My girlfriend, Xandra."- nakangiti nyang pakilala kila Mommy at Daddy. Parang sumisikip yung dibdib ko.

"Hello po tito, tita .. nice meeting you all po."- bati naman ni Xandra

Yumuko nalang ako at sa pagkain ko tumingin, nakakawalang gana.

"I heard from your Mom na aalis ka?"- napatingin ako kay Mommy at kay Dexter. Aalis siya? Ulit?

"Ah yes po tita, baka po doon ako mag-training sa states. Doon po ako pinapa-training ni Daddy dahil magagaling daw po ang mga Doctor na magti-train sa akin doon sa hospital."- he said

Nothing But The LoveWhere stories live. Discover now