34

113 12 12
                                    

[Chapter 34]

*****

FLASHBACK


"B-Bakit mo ko nilagay sa sitwasyon na ikakadurog ko?"

Hindi ako makasagot ..

"Answer me, bakit mo ko nilagay sa sitwasyon na ikakadurog ko, John Mark?!"

"R-Ravelyne .. mahal kita.."- i whispered

Tinignan nya ako ng matagal, maya-maya tumalikod na siya at agad na umalis. Gusto ko siyang sundan, gustong tumakbo ng mga paa ko para sundan siya. Pero pinipigilan ko, pinipigilan ko dahil ayoko nang mas lumala pa ang sitwasyon. A-Ayokong mas magalit pa siya sa akin.

"John Mark .."

Napatiklop ang mga kamay ko at agad na lumingon sa kanya.

*BOOGGSS*

Napahawak siya sa gilid ng labi nya at halatang nagulat sa ginawa ko.

"It's all your fault!"- i shouted

Tumingin siya sa akin.

"Fine! It's all my fault! Ano?! Ayos na ba?!"

"Gago ka!"- sinugod ko sya at agad na kiniwelyuhan. Nanggigil ako ngayon, gusto ko siyang saktan.

"Sige lang, saktan mo ko kung gusto mo. Tatanggapin ko yan! Tatanggapin ko 'yan John Mark dahil hindi ko pinag-sisisihan ang nangyari sa atin kanina."

Sobrang gigil ang nararamdaman ko, pero hindi ko na magawang saktan ang lalaking nasa harap ko ngayon. Binitawan ko na siya at agad na iniwan.

OFF FLASHBACK

Napangise ako.

"I don't want to talk with you."- i said

"But i want you to stay beside me."

Napatigil ako sa sinabi nya, mas lumapit pa siya sa akin.

"Ano bang gusto mong gawin ha?! Nang dahil sa'yo kaya nagkaka-gulo kami ngayon ni Ravelyne!"

He smirked ..

"Okay, I'm sorry! Pero ginusto mo rin naman yung nangyari hindi ba?! Nagustuhan mo rin ang halik ko?"

Susugurin ko na dapat siya para suntukin ..

"Sige, saktan mo ko."- warning nya

Nanginginig ang mga laman ko.

"Mas lalo kitang kukulitin at hindi kita titigilan."- he warning

Napahinga ako ng malalim at lumayo sa kanya.

"Tama na, ayoko na. Kaya tigilan mo na ko."

"Titigil ako kapag sinagot mo ng totoo ang tanong ko."

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Ilang segundo ang mga titig nya sa mga mata ko.

"Gusto mo ba ko?"

Napatigil ako sa tanong nya, yung galit na nararamdaman ko kanina napalitan 'yon agad ng pagkalito.

"T-Tigilan na natin 'to."- i said at umiwas ako ng tingin

"Why? Natatakot ka ba?"

"Matatakot? Saan ako matatakot?!"

"Natatakot ka ba na husgaan ng iba?"

Napatigil ako sa sinabi nya.

"Kung natatakot ka, puwes ako hindi. Hindi ako natatakot na malaman ng lahat na gusto kita."

Nothing But The LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon