24

102 13 4
                                    

[Chapter 24]

*****

Forward!


Napasara ako ng marahan sa locker ko habang tulala. Hays!

"Problema mo dyan sis?"- Apple ask me

Tumingin ako kay Apple at umiling lang tapos naglakad na kami paalis.

"Tell me na girl hanggat hindi pa ako sinusundo ni Dan."

Napahinga ako ng malalim, magsasalita na sana ako nang matanaw ko ang hype beats na naglalakad palabas ng campus habang mga nakasuot ng jersey. And yes, magkasabay na naglalakad si Khent at si John Mark.

"Huy."

Tsk.

"Ano na?"- she ask

"M-May problema eh."- i said

"Ano nga?"

"You know Dexter, right?"- i ask

Tumango siya.

"Oo naman, yung bff mo."

Napahinga ako ng malalim at huminto muna sa paglakad.

"Nag-away ba kayo ni John Mark dahil kay Dexter?"- she ask

Umiling ako.

"No, not that."

"So what's the problem?"

"Dexter and I, w-we're engaged."- i said

Halos manlaki ang mga mata ni Apple sa sinabi ko.

"W-What?"

Tumango ako.

"Yeah. I-I dont know, hindi ko alam kung paano ko masasabi kay John Mark."

"No, huwag mo ng sabihin."

"Pero paano kung malaman nya? Malaman nya bigla at hindi galing sa akin?"

"Hindi naman nya malalaman kung walang magsasabi eh. At isipin mo, magkakagulo lang kayong dalawa."

Natahimik na ako.

"Pero paano 'yon? Matutuloy ba?"- she ask

Napalunok ako.

"I-I don't know, but Dexter said na siya na ang bahala para hindi matuloy 'yon."

After that pag-labas namin ng main gate ..

"Nandyan na si Dan, paano? Mauna na muna ako?"- she said, tumango nalang ako at ngumiti.

Maya-maya umalis na sila, naisipan ko naman ulit pumasok muna sa loob para hanapin sila John Mark. Pero dahil hindi ko na sila makita, nag-stay muna ko dito sa gilid ng stage habang hinihintay din ang oras para sa rehearsal for theater act.

"Sorry, pero hindi kita gusto."

Napalingon ako bigla sa likuran ko. Halos mapatago ako agad nang makita ko si Rona na may kausap na lalaki sa likod ng stage.

"A-Alam ko."- maikling sagot ni Rona at napayuko ito. Gosh!

"Kaya tigilan mo na 'to, nagsasayang ka lang ng oras sa akin."- may inabot yung lalaki sa kanya na papel at agad itong umalis. Naiwan si Rona na mag-isa at hindi nag-tagal umiyak na ito ng umiyak.

Napalunok ako, marahan akong naglakad papalapit sa kanya. Napalingon siya sa akin agad pero hindi nya napigilan ang patuloy na pag-iyak nya.

"I-It's okay."- i said whispered

Nothing But The LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon