45

99 13 0
                                    

[Chapter 45]



*****

"Ate Ravelyne!"

Sinalubong agad ako ng mga bata.

"Hehe, heto ang mga pasalubong ko sa inyo."- binigay ko sa kanilang lahat yung mga laruan na binili namin ni Dexter.

"Yehey may bagong laruan na kami."

Napapangiti naman ako habang binubuksan ng mga bata yung mga laruan nila. By the way, nandito kami ni Dexter sa bahay ampunan. Nakalimutan ko kasing dalhan ng mga regalo nung Saturday ang mga bata kaya ngayon ko naisipan, tutal wala namang ginagawa sa campus ngayon.

"Oh anong sasabihin natin kay Ate Ravelyne?"- tanong ni Sister sa kanila.

"Maraming salamat po!!"- sabi nilang lahat.

Nakakatuwa! Maya-maya habang nakikipag-laro kami sa mga bata pansin ko na biglang natahimik si Dexter.

"Huy, okay ka lang?"- i ask

Tumingin naman siya sa akin at napahinga ng malalim.

"Yeah."- he answered

"Weh? Hindi ako naniniwala."

Tumingin siya sa akin ng mabuti.

"Kung ikaw ang tatanungin ko, papayag ka bang doon nalang mag-stay sa states para sa opportunity na alam mong mararanasan mo?"

Napatigil ako sa tanong nya. Tumingin ako sa kanya.

"W-What do you mean?"

Halatang napapaisip naman siya.

"Hindi ko na kasi alam eh, nalilito na ko."- he said

Napalunok ako at hindi makapag-salita. I-Ibig sabihin, naiisip ni Dexter na doon na tumira sa states? Na pagkatapos ng training hindi na siya babalik dito?

Feeling ko nalungkot ako bigla, para akong nilantang gulay na ewan.

Pagkatapos ng kalahating oras na pakikipaglaro sa mga bata nag-aya na akong bumalik sa school dahil tinamad na ako bigla. Ayokong makita ng mga bata na wala akong gana.

Habang naglalakad kami pabalik sa school ..

"Gusto mo ice cream?"- he ask

Umiling ako.

"Ayaw mo?"

"Wala akong gana."

"Anong nangyari sa'yo?"- natawa siya ng mahina

Dire-diretso lang akong naglalakad ng parang lutang. Hays!

"Ravelyne."- hinawakan nya ang wirst ko, lumingon ako sa kanya

"Hhm?"- i ask

"Okay ka lang ba?"- pag aalala nyang tanong

"Oo naman."- sagot ko, kahit feeling ko hindi.

Hays talaga!

"Ravelyne!"- napalingon naman ako, si Zandy tumatakbo papalapit sa akin.

"Oh bakit?"

"Kanina ka pa namin hinahanap."

"Bakit nyo ko hinahanap?"

"Eh kasi .."- hindi siya makasagot.

"Kasi ano?"

"Sumama ka nalang kaya? Bawal sabihin eh."

Napakunot ang noo ko.

Nothing But The LoveWhere stories live. Discover now