12

170 13 2
                                    

[Chapter 12]


*****

(CRISSA POV)

Kinabukasan ..

Habang nasa biyahe ako papuntang campus pinag-iisipan ko parin kung pupunta ako sa last hearing ni Jayvee.

Tsk, kainis bakit naman kasi nasakto sa may pasok pa?! Tsk.

Pero ..

Hays, inaasahan nya na pupunta ako doon. Napailing ako at tumingin sa labas, malapit na ako sa campus. Agad akong nagpara sa driver at bumaba ng jeep tapos agad akong nagmadali pumunta sa LRT.



Forward!

Pagdating ko sa trial court sarado, paano ako makakapasok dito? Chineck ko yung time, 9:33am na pala. Patay na! Tsk. Hays, paano ba'to? Paano nya ako makikita at paano ko siya makikita?! Hays, baka akala nya hindi ako pumunta.

Dahil hindi ko alam yung gagawin ko umupo muna ako sa tabi, napapahinga ako ng malalim. Ano na kayang nangyari? Kumusta na kaya yung hearing nya? Hays sana naman naging maayos ang lahat. Tapos nakakainis pa, yung ilang araw na kaming nagkasama sa jail pero hindi ko pa rin natanong sa kanya kung ano ang kaso nya, bakit ba ang tanga mo, Crissa?!

Tsh, bahala na.

After ilang minutes nang bumukas yung pinto kaya napatayo ako bigla. Isa-isang lumalabas yung mga tao mula sa loob. Hanggang sa napangiti ako dahil nakita ko na siya. Halatang wala sa mood ang mukha niya, medyo nalungkot din ako dahil nakikita ko na naka-posas ang dalawang kamay nya ngayon.

"Jayvee."- tawag ko

Hinanap nya agad ako. Hanggang sa napalingon na siya sa akin, napangiti si Jayvee nang makita nya ako. Napansin ko na kinausap nya yung pulis na kasama nila tapos tinuro ako, ako naman hindi nagpaligoy at lumapit na sa kanila.

Humarang naman sa akin yung pulis.

"Kaano-ano ka?"- masungit na tanong sa akin nung pulis

"Girlfriend ko nga yan boss."- napatingin ako kay Jayvee sa sinabi nya.

"Hindi ako naniniwala, baka gawa-gawa mo lang 'yan."- napataas ang kilay ko sa sinabi ng pulis.

"Boyfriend ko 'yan manong pulis!"- sagot ko

Napatingin ng diretso sa akin si Jayvee, halatang nagulat. Ako naman napaiwas ng tingin. Piste naman!

"Hmm oh sige na, kausapin mo na. Bilisan mo Jayvee at may aayusin pa tayo."- sabi nung pulis kay Jayvee, tapos lumayo muna yung pulis

Lumapit sya sa akin.

"Akala ko hindi ka darating."

"S-Sorry ha, sorry hindi ako nakaabot sa hearing."

"Okay lang."- nakangiti nyang sagot

"Talaga? Okay lang?"

Tumango siya.

Tumingin ako sa kamay nyang nakaposas, tumingin ako mukha sa nya, halata namang parang napapaiwas siya ng tingin.

"A-Ah ano, may sasabihin ako."- he said

"Sige ano 'yon?"

Ngumiti muna siya.

"Makakalabas na ako mamaya."

Napatigil ako sa sinabi nya. Unti-unti akong napapangiti ng malapad,  hindi ko alam pero para akong naiiyak na ewan. Ang saya lang sa pakiramdam.

"Umiiyak ka ba?"- tanong nya na natatawa-tawa

Nothing But The LoveWhere stories live. Discover now