11

171 12 1
                                    

[Chapter 11]


*****

(CRISSA POV)


Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng jail, napangiti ako nang makita ko si Jayvee na nakasalubong agad sa akin ng isa ring magandang ngiti.

Lumapit sya sa akin, natawa pa ako ng konti dahil hinahawi nya yung ibang tao sa paligid para hindi sila madikit sa akin, pasaway! Hahaha!

Pagkalapit nya, hindi naman mawala yung mga ngiti sa labi nya.

"Kailan mo aalisin 'yan?"- tanong ko

"Anong aalisin?"- tanong nya habang nakangiti pa rin.

Piste, bakit kasi napaka-gwapo nito?!

"Y-Yung ngiti mo! Nakakainis kana."

Napakamot naman siya sa ulo nya.

"S-Sorry, hindi ko kasi mapigilang hindi ngumiti dahil nandito ka eh."

Pinipigilan ko sarili ko huwag kiligin muna.

"Talaga lang ha."

"Hindi ako nagbibiro."

Tumingin ako sa kanya, pero umiwas agad ako ng tingin. Piste talaga eh, hindi ako mapakali eh.

"Ahm oo nga pala heto may dala akong pagkain para sa'yo."- sabay abot ko sa kanya ng pagkaing dala ko.

"Nag-abala ka pa, salamat ha."

"Wala 'yan ano kaba."

Marahan naman nyang hinawakan yung kamay ko, feeling ko aatakihin ako sa puso sa sobrang gulat my god.

"Tara doon tayo."- sabi nya sabay hila sa akin.

"Wow Jayvee nakabingwet ha."- sabi nung mga tao sa loob

"Mainggit kayo."- sabi ni Jayvee sabay tawa

Pagkapasok namin sa dulo, medyo nagulat ako dahil marami palang mga dumalaw ngayon. Naramdaman ko yung paghigpit ng hawak ni Jayvee sa kamay ko tapos dumaan kami sa medyong masikip na daanan dahil nga may mga ibang dumalaw rin pala.

Ako namang si parang tanga pangiti-ngiti na ewan. Tinignan ko siya, parang may hinahanap siya, wait ..

ANG GWAPO NYA!!! HUHU!

"Wala tayong maupuan, sandali lang ha dito kalang, maghahanap ako ng pwede nating maupuan."- sabi nya sa akin at nagmadaling umalis.

Napahinga ako ng malalim. My god! This is it Crissa! Magkaka-jowa kana.

"Hi miss."

Napalingon naman ako sa tumawag sa akin, may isang lalaking mukhang normal naman. May itsura din at maputi. Pero arghhhh yung mga tingin palang hindi ko na bet, mukhang rapists eh.

Hindi ko nalang siya pinansin.

"Suplada ha."- he said, nagulat ako dahil pumunta sya sa harap ko

"Ano bang kailangan mo kuya?"

"Sino bang hinahanap mo dito miss? Gusto mo tulungan na kita?"- lumapit siya sa akin, lumayo naman ako.

"Pwede ba? Hindi ko kailangan ng tulong mo."

He smirked ..

Lalapit pa sana sya ulit sa akin nang may humawak sa balikat nya. Pagtingin ko, si Jayvee may dala ng upuan.

"Distansya sa girlfriend ko pre."- seryosong sambit ni Jayvee.

PERO WAIT! GIRLFRIEND?! POTA GANUN KA-SPEED??!

Nothing But The LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon