33

115 14 6
                                    

[Chapter 33]

*****

(RAVELYNE POV)

SUNDAY

Umaga na pero nananatiling nakahiga at nakatingin lang ako sa kisame. Nakikita ko ang mga moments na masaya kami ni John Mark. Nakikita ko ang sarili ko sa kisame na umiiyak nang dahil sa kanya.

Napapikit ako at naramdaman ang luhang bumagsak mula sa mga mata ko. Ang hirap ng ganito. Ang sakit parin, ang sakit pa rin sa puso. Feeling ko hindi ko na alam kung anong magagawa ko sa oras makita ko ulit siya.

*TOK.TOK.TOK*

"Anak Ravelyne? Gising kana ba?"- napatigil at napauo ako bigla nang madinig ko si Daddy.

"O-Opo Dad."- pinunasan ko agad ang mga mata at pisnge ko.

Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Daddy. Tsk patay ako nito eh. Pagka-pasok na pagka-pasok ni Daddy bakas agad sa mukha nya na may napapansin siya sa akin. Napapayuko naman ako at sa ibang direksyon tumitingin.

"Anak, umiiyak ka ba?"- lumapit sa akin si Daddy at umupo sa harapan ko.

Hinawakan agad ni Daddy ang mukha ko at tinignan nya akong mabuti.

"Anong nangyari?"- seryosong tanong ni Dad

"N-Nothing Dad."

"Huwag kang magsinungaling, tungkol ba 'to sa nangyari kagabi?"

Nagulat naman ako sa sinabi ni Daddy. A-Alam nila? Nandun na ba sila kagabi sa school nang mangyari 'yon?

"Ravelyne pumunta kami ng Mommy mo kagabi sa school nyo para panuorin ka, pero hindi ikaw ang nasa stage. Anong nangyari?"- pag aalalang tanong ni Daddy

Unti-unting namuo bigla ang luha sa mga mata ko.

"D-Dad .. I'm sorry."

"Ravelyne .."- he said softly, pinunasan agad ni Daddy ang pisnge ko.

"I'm your Father, makikinig ako. Tell me, what happened?"

Hindi ako makasagot, hindi ko alam dahil hindi naman alam ni Daddy na may boyfriend na ako.

"Ravelyne alam ko na ang lahat, do you think hindi sasabihin ng Mommy mo sa akin na may boyfriend ka na? Ikaw nalang ang hinihintay kong mag-kwento sa akin. At sa tingin ko, nang dahil sa kanya kaya ka ngayon umiiyak."

Feeling ko gusto kong mapahagulgol ng iyak. Marahan akong tumango at huminga ng malalim.

"M-May hindi lang po kami pagkaka-intindihan, Dad."- i said. Yes! I'm a liar, pero ayoko nang i-open pa 'yon kay Daddy. Ayoko dahil kahit papaano ayokong husgahan nila si John Mark.

Huminga ng malalim si Daddy at ngumiti.

"Alam mo, kami ng Mommy noon maraming beses na rin nagkaroon ng hindi pagkaka-intindihan. Ang mga hindi pagkaka-intindihan na 'yon minsan ang naging dahilan ng away at paghihiwalay namin noon."

Inayos ni Daddy ng marahan ang buhok sa gilid ng taenga ko.

"Pero tignan mo naman ang nangyari ngayon, ang hindi pagkaka-intindihan noon ang nagpatatag sa amin ng Mommy mo. Nagka-anak kaming dalawa, ikaw 'yon at ang kuya mo. Kahit na nahiwalay na sa atin ang kuya mo, masaya pa rin tayo ngayon bilang isang pamilya. Sinasabi ko ang mga ito sa'yo anak dahil gusto kong magpaka-tatag ka sa mga problema na hinaharap nyo bilang magka-sintahan. Dahil doon masusubok kung kayo nga ba ang para sa isat-isa."

Napayuko at pinunasan ko ang mata ko.

"But Dad, can i ask?"

"Sure."

Nothing But The LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon