XXI

1.8K 41 5
                                    

Kiefer's POV

Thirty minutes na mula ng dalhin si Mika sa loob ng operating room, sabi ni Tita Bhaby simple procedure lang naman daw ito. Kung magiging maayos ang lahat ay mabilis rin matatapos ang operation niya.

"Kief,magrelax ka lang, kayang-kaya ni Yeye yun." Kuya Perry said. Kasama ko ang  pamilya ni Mika na naghihintay ng balita mula sa doktor.Si Tito Mauel, Tita Bhaby at si Kuya Perry. Si Lolo Frank naman ay nasa chapel kasama si Ate Aereen.

"I know, Kuya, kinakabahan lang talaga ako e,"sagot ko. Napabuntong hininga na lang ako, mas kinakabahan pa talaga ako, daig pa nito ang nararamdaman kong kaba tuwing may championship game kami.

"Napagdaanan niya na yan five years ago, before you met her.Kaya alam ko na kaya niya yan." Kuya Perry said at inalalayan niya ako para umupo.

"I know, Kuya." sagot ko. Tinapik niya naman ako sa balikat at pinilit ko na lang ngumiti..

"Kiefer, gaano mo kamahal ang kapatid ko?"hindi ako makapaniwala  sa tanong ni Kuya Perry.Nakaramdam ako ng pagkabahala, hanggang ngayon ba hindi pa rin siya naniniwala sa pagmamahal ko para kay Mika.

"Sobra-sobra Kuya Perry, witness ka naman sa love story namin e." sagot ko. Napangiti siya pero bakas pa rin ang kalungkutan sa mga mata niya.

"What if after her operation, magkaproblema na si Mika sa health niya at hindi ka na niya mabigyan ng anak." he said. I have heard those questions from Mika pero nagulat ako na pati kay Kuya Perry?

"Ilang beses na rin akong tinatanong ni Mika pero ito lang po ang palagi kong sinasabi sa kanya,na basta kasama ko siya, wala na akong mahihiling pa." sabi ko . Nakatingin lang si Kuya Perry sa akin na para bang pinag aaralan niyang mabuti ang bawat salitang binibitawan ko.

" When I met her, It was like finding the missing piece of the puzzle. She made me complete,Kuya." halos mabasag na ang boses ko. Nahihirapan na akong pigilan ang mga luhang kanina pa nangingilid sa aking mga mata.

"I may sound like a villain here, pero baka nasasabi mo lang yan dahil wala ka pa sa sitwasyon. Hindi ako magagalit sayo kung bibitaw ka kay Mika.Lalaki rin ako Kiefer, alam ko na isa sa mga pinapangarap mo ay ang may magdala ng pangalan mo.Isa lang ang pakiusap ko sayo, kung hindi ka handang tanggapin ang magiging pagkukulang ni Yeye, bumitaw ka na ngayon pa lang,habang bata pa kayo."pahayag ni Kuya Perry. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Kuya Perry sa akin. I love Mika so much na hinding-hindi ko iisiping pagkukulang niya ang hindi pagkakaroon ng kakayahang magka-anak.

"Sigurado na ako kay Mika,Kuya Perry." I said with conviction. I may not be certain with what the future brings. Mahihirapan siguro akong tanggapin ang magiging sitwasyon namin ni Mika pero alam ko sa sarili ko na mas mahihirapan akong mabuhay ng wala si Mika sa piling ko.

"Well, hindi ko alam kung paniniwalaan ko yan pero nasabi na ba ni Mika kung bakit ko sinukuan ang piyano?"  he inquired. Umiling na lang ako, alam kong magaling na piyanista si Kuya Perry pero hindi ko talaga alam ang totoong dahilan ng paghinto niya.

"Dahil yun sa babaeng minahal ko noon. I was taking up Music in UP when I met Claire,she was my everything until we met an accident." napaangat ako ng tingin at napatitig kay Kuya Perry. Nabigla ako sa mga sinabi niya.

" Don't worry hindi siya namatay, pero ang puso ko namatay when she left me." sabi niya at napatawa ng mahina. Napansin niya yata ang pagkagulat ko kanina.

" Nagkaroon ako ng injury sa braso trying to save her life. When we got out of the hospital,dumating naman ang scholarship offer sa aming dalawa.. The doctor said  hindi na ako pwedeng mag piano.I encourage Claire na ituloy ang pag aaral sa London, noong una ayaw niya pa. Unti-unting nanlamig si Claire sa akin, madalas na rin kaming mag away. Until one day nalaman ko na lang na umalis na siya papuntang London, tinanggap niya daw ang scholarship." napaiyak naman si Kuya Perry habang nagkukwento pero hindi ko mapigilang mapaisip. Hindi ako katulad ni Claire at kahit kailan hindi ko kayang iwan si Mika.

"Sorry Kuya,hindi ko alam yan."I said, he shook his head and tried to smile.

"No worries, I'ts all in the past. Sinabi ko lang naman sayo para malaman mo na kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao minsan nagagawa mo siya iwan dahil siguro iyon ang makakabuti  sa inyo, you'll never know kung ano talaga ang magiging desisyon mo kapag kaharap mo na ang problema.Pero isa lang ang pakiusap ko sayo kung iiwanan mo si Yeye, be brave enough to tell her na tapos na lahat sa inyong dalawa. Don't left her hanging." hindi ko mapigilang makaramdam ng inis bakit ba parang sinisigurado na niya na iiwanan ko nga si Mika.

"Bhaby, Manuel." pagtawag ng doktor ni Mika. She is Mika's Godmother and Tita Bhaby's bestfriend. Napanatag ang loob ko ng malaman na malapit na kaibigan ang doktor na mag oopera kay Mika.Pakiramdam ko mas magiging maayos ang lagay ni Mika sa mga kamay niya.

"Kumusta na si Yeye?" tanong ni Tita Bhaby.

"I have to remove her left ovary Mare,pasensya na sobrang damage na talaga siya." sabi ng doktor kay Tita Bhaby,napatutop naman si Tita Bhaby sa kanyang bibig. Niyakap naman siya ni Tito Manuel at maging ni Kuya Perry.Narinig ko na silang nag uusap tungkol dito nung isang  araw.

"Pero, magiging okay naman siya di ba, even with just one ovary?" Tita Bhaby asked. Nag consult na rin ako sa mga kakilala ko at may chances pa rin naman ng pregnancy with women with one ovary left.

"Yes Bhaby, but I have to remind you that will be doing a biopsy at paglabas ng results saka palang natin malalaman if there's a possibility of Ovarian Cancer, but  I'll be honest with you dahil kaibigan kita." napahinga naman ng malalim si Dr. Alvarez. Ako naman halos hindi na makahinga sa mga naririnig ko. Cancer? Oh God, bakit hindi ko yun naiisp nung una.

"Sa itsura ng mga cyst na tinanggal ko sa inaanak ko, there's a possibility of cancer." tuluyan na akong napatulala. I trembled  with what Ive heard. Bakit si Mika pa?

"Kung mag positive siya?"Tito Manuel asked. Hindi na rin kasi halos makapagsalita si Tita Bhaby maging ako man. I don't know what to say.

"Yeye needs to undergo another surgery. Kanina sa operation katulad ng sinabi ko sa inyo there's a possibility of cancer.You need to be strong for Yeye, Pare"she said.Tuluyan ng bumigay ang mga tuhod ko. This can't be real. Hindi pa naman siya sigurado, wala pa nga ang result ng biopsy.Bakit ba pakiramdam ko sigurado na si Dr.Alvarez that Mika will  undergo  another operation?

"So aalisin mo rin ang isa pang ovary niya?"tanong ni Tita Bhaby habang humihikbi.

"Yes Mare, It's for her own good. Kailangan natin gawin ang operation para hindi na kumalat ang cancer cells pag nagkataon ."akala ko pa naman simple procedure lang talaga ito. Noong una ang alam ko Cyst lang ang aalisin, then I heard Tita Bhaby and Dr. Alvarez's conversation about the damaged left ovary and its possible removal,tapos ngayon Ovarian Cancer?

"Pero  ovaries  niya yun Gina, hindi na siya pwedeng magkaanak di ba?"

...hindi na siya pwedeng magkaanak              

....hindi na siya pwedeng magkaanak

....hindi na siya pwedeng magkaanak

I was brought back to my senses when Kuya Perry tapped my shoulders, napatulala na pala ako sa huling sinabi ni Tita Bhaby. Kailangan kong maging matatag para kay Mika, dahil kung mahirap para sa akin ang sitwasyon na ito, alam kong mas mahihirapan si Mika kapag nalaman niya ang katotohanan.

---

Hello, pasensya na po kayo sa chap na ito.

Pure fiction po ang operation chuchu ni Mika, I dont know kung tama ba mga pinagsusulat ko.

Kusinera po kasi ako kaya wala akong alam sa mga medical chuchu. Kung hindi nyo po ma-take ang kalokohan ko hihi, please feel free to comment/ message me if my correction, violent reaction o panlalait kayo.

Thanks :)

---Mira---

 P.S. Sinong manonood ng game tomorrow? Kita kita tayo sa mata. Okie :)

You complete me (Miefer Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon