XV

2.3K 40 13
                                    

Mika's POV

Hay,naaamoy ko na ang sinangag ni Manang Cora, ang sarap na kumain. Pero ayaw ko pa bumangon,mamaya na lang ako magbebreakfast,gusto ko pa matulog eh. Ang sarap talaga yakapin ni Teddy,ang lambot.Lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap kay Teddy, hihi namiss ko talaga ang bed ko,hmmm ang bango, siguro nilabhan siya ni Mommy nun nasa ospital ako.Pero sandali lang bakit pumayat si Teddy? Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita si... Mikole?

Nakitulog nga pala ako sa kwarto ni Mikole,hindi na kasi nakauwi si Kiefer sa bahay nila kagabi tapos sasama na rin siya sa amin ngayon papunta ng Bulacan.Grabe parang dito na siya nakatira.

"Anong ginagawa mo sa kwarto ng apo ko!!" sigaw ni Lolo Frank napabalikwas naman ako sa kama, Shocks baka kung anong isipin ni Lolo, nasa akin pa naman ang mga damit ni Kiefer dahil nilabhan pa ni Manang Cora kagabi.

Agad akong tumakbo sa kwarto ko at dinala ko na rin ang mga gamit ni Kiefer.

"Lolo Frank, It's not what you think." pagpapaliwanag ni Kiefer. Nakita ko naman na hahatawin siya ni Lolo kaya pumagitna na lang ako.

"Lolo, tama na po, huwag niyo ng saktan si Kiefer.  "Pag awat ko kay Lolo, mabuti na lang at nahawakan ko ang baston niya.

"Ravena! Pasalamat ka at nandito ang apo ko, bukas na bukas gusto kong makausap ang mga magulang mo." sigaw muli ni Lolo Frank. Bakit pa kailangan ng magulang ano ba to?

"Huwag po kayong mag alala, handa ko pong panagutan si Mika." sabi pa ni Kiefer. Teka,anong pananagutan?

"Lolo, bakit naman po? Bakit kailangan niyo po makausap ang parents ni Kiefer." I asked Lolo ,sobrang nanlilisik ang mga mata niya kay Kiefer pero ibinaba niya na ang baston niya.

"Magpapakasal kayo, Kailangan niyang maging responsable sa ginawa niya sayo apo." pahayag ni Lolo.

"What?/Opo" sabay na sagot namin kay Lolo.Pagtingin ko kay Kiefer ay sobrang saya niya. Nakukuha niya pang ngumiti kahit alam niya na galit na galit si Lolo Frank sa kanya.He smiled at me na parang wala nang bukas. Hindi niya ba naririnig si Lolo, magpapakasal kami e ang babata pa namin.

"Lolo, hindi pwede, ang bata ko pa po." I pleaded, hindi pwede to,hindi ko pa nga boyfriend tapos asawa agad, pwede ba after 10 years, game na game ako dun.

"Apo, pano naman ang magiging anak niyo?" Lolo said, ano bang pinagsasabi niya? Anong anak?  Tiningnan kong muli si Kiefer at nangangamatis na halos ang mga pisngi.

"Kiefer! Ano bang sinabi mo kay Lolo Frank?"pagalit kong tanong sa kanya. Naiinis na ako sa kanya, kahit na gusto ko pa siya hindi ko nagugustuhan ang sitwasyon namin ngayon.

"Yung totoo, na dito ako natulog kagabi." He answered and smiled at me. Nakita ko naman na naningkit na naman ang mga mata ni Lolo. Arggggh kakalbuhin kita Ravena!!!!

" Lolo, totoo po na dito na siya natulog, pero------"

"Sinasabi ko nga ba, nung una ko pa lang nakita ang lalaking yan, alam ko ng hindi mapagkakatiwalaan.Ya!" Lolo said at pinalo  muli si Kiefer. Nakakafrustrate na hindi ako makapagpaliwanag. Tsk

"Aray! Lolo huwag na po kayong magalit. Mahal na mahal ko po si Mika." angal ni Kiefer. Hinawakan ko naman ang braso niya na medyo namumula at ngumiti na naman siya. Hindi ba niya nakikita na pwedeng mapahamak siya sa mga pinagsasabi niya.

"Tama na Lolo, let me explain po muna,mali po ang iniisip niyo, promise,please calm down." pakiusap ko kay Lolo Frank at ibinaba niya naman ang baston niya. "Si Mikole po ang katabi ko kagabing matulog, mag-isa lang po si Kiefer dito."sabi ko,finally nakapagpaliwanag rin.

You complete me (Miefer Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon