XXXIII

2.2K 45 17
                                    

"Babe" narinig ko ang malambing na pagtawag ni Mika sa akin,mabigat pa rin ang aking pakiramdam. Naramdaman ko naman ang paghalik niya sa aking mga labi, hindi ko napigilan ang mapangiti.Kung ganito kaganda ang aking panaginip parang ayaw ko ng magising pa.

"Babe, wake up." pagtawag niyang muli, inalog alog niya pa ang aking balikat.Sandali lang, Bakit parang totoo? Hindi ba ako nanaginip? Unti-unti kong iminulat ang aking mata at..

"Mika? Anong ginagawa mo dito?"gulat kong tanong. Nakahiga siya sa aking tabi at magkalapit ang aming mga mukha.

"What? Bawal na ba akong tumabi sayo?" she said and she giggled.Hindi ko naman napigilan na hawakan siya sa kanyang pisngi. Totoo na ba ito? Umuwi na si Mika?

"Hay, ang asawa ko talaga." she said and smiled. Nagtataka naman ako sa mga ikinikilos ni Mika. Asawa? Ang sarap sa pakiramdam ng sabihin niya iyon.

Sinundan ko lang siya ng tingin ng bumangon siya sa aming higaan. Bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan, hindi rin mahahalata na may nararamdaman siyang sakit.

"Mag prepare lang ako ng breakfast Babe, bumangon ka na diyan." sabi niya at hinila pa ang kumot ko.

Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod na lang sa kanya.Naghilamos muna ako at saka lumabas ng kwarto. Pagdating ko ng kitchen ay wala si Mika doon. Napakuno't noo naman ako, ang sabi niya magpeprepare lang siya ng breakfast? Naglakad ako sa may living room at natanaw ko siya sa may garden, kinabahan ako kanina akala ko panaginip lang ang lahat at wala naman talaga siya dito sa bahay.

Lagi niyang sinasabi na kapag naging mag asawa na kami ay gusto niya ng bahay na may garden. She would prepare breakfast every morning at magkasabay kaming kakain.

"Alam kong maganda ako pero baka matunaw naman ako Babe."sabi ni Mika,hindi ko mapigilan ang mapatitig sa kanya. It's been what? One week? Tama, one week na ng huli kaming magkita.

Sa loob ng isang linggo ang dami niyang pinagbago. Mas naging masigla siya, nakabuti siguro ang sariwang hangin sa probinsya.

"Hay, ang ganda talaga dito, ang perfect ng location nitong house natin." sabi niya, tumingala naman siya habang nilalanghap ang sariwang hangin. Napapangiti naman ako dahil napakasaya niyang pagmasdan, nakapikit pa siya habang nililipad ng hangin ang kanyang buhok.

Napatigil ako ng may napansin kay Mika, parang may nagbago....

...ang buhok niya,...... ang mga mata niya, ....ang sigla niya pa ngayon, huling beses ko siyang nakita ay nahihirapan na siyang maglakad at nanghihina.

"Oops, I forgot yung orange juice, wait lang Babe." nagulat ako ng bigla siyang tumayo at naglakad na papasok ng bahay.

You're overthinking Kief, nakabuti nga siguro kay Mika ang pagbabakasyon niya. Napailing na lang ako,kung ano-ano na naman kasi ang naiisip ko.

Naubos ko na ang pagkain ko pero hindi pa rin bumabalik si Mika. Bigla akong kinabahan, wag naman sana..

"Babe?" pagtawag ko kay Mika.Nagtataka naman ako ng wala siya dito sa kusina. Tama naman ang rinig ko kanina, orange juice ang kukunin niya.

"Miks, nasaan ka na?" patuloy na pagtawag ko sa kanya.

Napalingon ako sa bintana at napansin ang basag na salamin, naalala ko nabasag ko pala iyon ng huling gabi na uminom ako. Nilinis ko muna ang mga bubog sa sahig, baka matapakan pa ito ni Mika.Ang pagkakatanda ko nga ay niligpit na ito ni Thirdy.

Habang nagwawalis ay napansin ko naman ang mga hibla ng buhok na nakakalat sa sahig, sinundan ko  ito ng tingin at napatigil sa pintuan ng aming kwarto.Si Mika. Mabilis kong tinungo ang master's bedroom.

You complete me (Miefer Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon