Special Chapter I

2K 36 16
                                    


Dedicated po sa lahat ng readers ng story na ito, haha :D


"Hi Babe, Happy  5th year anniversary.Miss na miss na kita, miss ka na rin ng anak natin." natawa na lang ako sa ginagawa ko, kinakausap ko na naman kasi ang picture ni Mika na nasa loob ng wallet ko.

"Daddy, Im done na po." napailing na lang ako ng makita si Migo na nakatayo sa labas ng pinto ng bathroom niya.

Lagi niyang sinasabing bigboy na siya pero hindi naman marunong magpunas ng katawan. Madalas pa siyang mumuntik na madulas kapag tumatakbo ito palabas ng bathroom.

"Let me see, nagtoothbrush ka na ba talaga?" tanong ko sa kanya.  Ngumiti naman ito sa akin at saka ngumanganga para ipakita ang loob ng bibig niya.

Binalot ko naman siya ng tuwalya at sinimulan na rin tuyuin ang kanyang katawan. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang.

"Daddy!!!!."sigaw ni Migo ng  simulan ko siyang kilitiin. Lalo ko pa siyang inasar ng amuy-amuyin ko ang kili-kili niya. Halos maiyak naman ang anak ko sa kakatawa dahil sa sobrang pangingiliti. Kung andito si Mika, kanina pa ako napagalitan non, madalas kasi siyang magalit kapag sobra kong pinapatawa si Migo.

Binuhat ko na siya papunta sa kama at sinimulan ng bihisan. Kapag kasi hinayaan ko siyang mag isa ay siguradong tatanghaliin kami sa pag-alis.

"Dadddy, whose birthday is it today?"  tanong niya sa akin. Napangiti naman ako sa kanya,mukha namamana pa ng anak ko ang pagiging makakalimutin ni Lolo Frank.

"Sa Mommy mo.Nakalimutan mo na agad?"I said, tumango-tango naman si Migo sa akin at saka yumakap. Naku, naramdaman yata na nalungkot ako dahil nakalimutan niya ang special day na ito.

"Hmm, pwede ko po bang makita ulit yun picture niya?" bulong niya sa akin.

"She is so beautiful Daddy."sabi ni Migo, napangiti na lang ako mana talaga sa akin ang anak ko, marunong mag appreciate ng beauty.

"Oo anak,maganda talaga siya lalo na yung mga ngiti niya." sabi ko. Lalo namang napatitig si Migo sa picture na hawak-hawak niya.

Maya-maya pa ay nakita ko naman na biglang nalungkot ang mga mata ng anak ko. Madalas pa naman niyang itanong sa akin kung nasaan na ang Mommy niya at kung masaya ba ito sa langit.

"Daddy di ba you told me that Mommy is in heaven?" naku sinasabi ko na nga ba, mapupunta na naman kami sa usual conversation namin.

"Yes anak."I said, pasimple ko na lang siyang nilingon dahil kasalukuyan akong nagdadrive ngayon.

"Mmmm, are we visiting Mommy in heaven?" medyo nagulat naman ako sa tanong niya, oo nga pala sabi ko we'll visit her ngayong birthday niya.

"Ganito kasi yun anak, ang Mommy mo nasa heaven na, tapos yung ilang gamit ng Mommy mo naiwan dito para kapag na-mimiss natin siya,pwede nating dalawin yon.." paliwanag ko, pahirapan naman talaga kapag maraming itinatanong sa akin si Migo, hindi naman ako katulad ni Mika na magaling magpaliwanag at magdahilan sa mga pagkakataong ganito.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng mukhang nakuntento na si Migo sa sagot ko.

"This place looks lonely parang ang lungkot naman po dito." sabi ni Migo ng papasok na kami sa loob ng cemetery.

"O-li Ga-den" hindi ko napigilan tumawa ng marinig si Migo. Grade one na siya sa pasukan pero nahihirapan pa rin siyang magbasa.

Napatigil ako ng makita siyang sumimangot. Okay Kiefer tama na, hindi ka rin naman henyo nung bata ka pa.

You complete me (Miefer Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon