V

2.1K 32 0
                                    

Mika's POV

A month ago, I started to receive flowers from an unknown guy. At first natatakot talaga ako kasi naman kahit san ako magpark natatagpuan niya ang car ko, and it got weirder pa, last week kasi naging dalawa na ang bouquet of flowers, siyempre the Kiefer incident was also unexpected inisip ko na lang na yun bouquet  no. 2 is  someone  from Ateneo,imposible naman  na si Phenom ang magkakagusto sa akin di ba? Baka may humingi lang ng tulong sa kanya.

After class dumiretso na ako sa dorm, and yes may flowers na naman for me na nasa kotse ko.

"O, Wafs, daig pa natin ang  simbahan sa dami ng bulaklak sa terrace ha." pagbati ni Kim sa akin.

"Oo nga eh pasensya ka na Kimmy ha, allergic ka pa naman dito idederetso ko na lang sa terrace ." sabi ko kay Kim. Nahihiya na nga ako sa kanya dahil allergic siya dito. Hindi ko naman pwede itapon dahil baka makita nun nagbigay kaya dito na lang muna sa labas ang mga flowers na ito.

"No, Wafs, don't worry ayos lang, sayo ako worried eh, hindi pa ba nagpapakilala yang secret admirer mo, mamaya stalker na pala yan, basta yun bilin ko sayo wag na wag mong aamuyin yung bulaklak baka may pampatulog,makidnap ka pa, maliwanag ba?" bilin sa akin ni Kim, kaya mahal ko to eh, kahit praning , sobrang caring naman.

"Opo,Sarhento Kimmy,I'll keep that in  mind. I  also inspect my  car's backseat  kung may tao bago ako sumasakay, like what you've told me." sabi ko kay Kimmy at nagsalute pa.

"Buti naman, siyempre kailangan safe lang tayo."

"Hi Wafs! Hi Daks!" bati ni Ara sa amin na kadarating lang.

"O ikaw rin may flowers and chocolates?" tanong ni Kim kay Bes.

"Oo eh, hindi ko na nga alam ang gagawin ko eh"

" Naku, ang hirap naman magkaroon ng magagandang room mate,tsk tsk" sagot ni Kim habang nakacross arm pa.

"I know right Kimmy." sagot ko naman.

"Woahh, ang hangin hahahaha." pang aasar naman ni Bes.

"Mga mapagpaniwala, joke lang yun." pagbawi naman ni Kim sa sinabi niya kanina lang.

"Wafs, gusto mo? Sayo na lang tong chocolate." Ara

"Tapos ako ang magagayuma, or worst malalason at mamamatay ako, Nooooo Waaay!" pagtanggi ni Kim. Ayan na naman po siya PRANING.

"Kim, wag praning!" sabay naming sigaw ni Bes kay Kim, nag walk out naman ang loka-loka.

"Daks, sayo na lang."baling naman sa akin ni Bes.

"Nooo waaay, baka may gayuma nga yan eh," pagtanggi ko kay Bes.Better praning than sorry noh. Sabi nga ni Sarhento Kimmy-Safety First.

"Isa ka pa eh, nahawa ka na kay Sarhento Kimmy mo hahaha."pang asar na sagot sa akin ni Bes.

Halos two months na rin ang supply ni Bes ng flowers and chocolates,hindi naman siya nagwoworry kasi wala naman daw siguro masamang gagawin sa kanya yun admirer niya.Pero everyday niya naman pinamimigay ang chocolates niya, If I know takot rin yan sa gayuma at lason. Hay si Ara talaga.

---------

Kiefer's POV

Isang linggo na ang nakaraan ng nagsimulang manligaw si Thirdy kay Mika or should I say, magpakasecret admirer. And speaking of my brother heto at nagmukmok na naman dito sa kwarto.

"Thirds, what's the problem? hindi maipinta yang mukha mo ha." tanong ko kay Thirdy bihira lang yan tumahimik at mag solo kaya malamang may iniisip ito.

" Manong, wala na talo na ako."sagot ni Thirdy at lalong lumukot ang mukha.

"San ka natalo?" nagtataka naman ako dito sa kapatid ko. Ang drama.

"Kay Mika." napatigil ako sa pagbabasa.Nabigla ako, ibig bang sabihin may boyfriend na si Mika. Sino? Kailan pa?

"Manong , nakikinig ka ba?" tumango na lang ako bilang tugon sa kapatid ko. "Kasi kanina dapat magpapakilala na ako at yayain siyang magdinner, kaso nakita ko siya may kayakap siyang lalaki." pagpapatuloy ni Thirdy.

"Sigurado ka bang boyfriend na nga." tanong ko kay Thirdy. Tumango naman siya.

Sabagay, sa dami ng nagkakagusto kay Mika, hindi malabong may magustuhan din siya sa mga manliligaw niya. Nalulungkot ako , ang sakit naman. May mahal na si Mika. Tsk, ano ka ba Kiefer nararamdaman mo yan para sa kapatid mo, tama malungkot ka para kay Thirdy. Malabong may gusto ako sa kanya,ilang beses ko pa lang siyang nakikita,Imposible Kief.

"At alam ko naman wala akong panama sa minahal niya eh, Si Kuya Jeron yun Manong. Mabait, Matalino at higit sa lahat ka edad niya, eh ang tingin lang sa akin ni Mika, bata." malungkot na pahayag ni Thirdy. Naawa naman ako sa kapatid ko, sana pala nung una pa lang pinigilan ko na siya para naiwas ko siyang masaktan ng ganito.

"Thirds,alam kong mahirap para sa iyo ang tanggapin ang lahat pero kailangan. Ganon talaga hindi lahat ng gusto natin ay ibibigay ng diyos.Maging masaya ka na lang para kay Mika, okay." tumango naman si Thirdy. Alam kong mahirap pero kailangan niya tanggapin yon. Ako man umaasa na sana mahalin at alagaan siya ni Jeron.Mika is a very special girl. She deserves happiness .Tama na nga Kief, nahahawa ka kay Thirdy ng kadramahan. Hay bakit ba ako nalulungkot?

---------

Ilan days na lang before Christmas, super excited na ako, hehe

Thank you so much for reading my story. :)

You complete me (Miefer Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon