XXXVI

2.3K 54 16
                                    

Kiefer's POV

Sinalubong kami ni Tita Gina sa Emergency Room, I don't know how she knew na paparating kami, maybe it was Thirdy who called her.Pagkapasok pa lang namin ng ospital ay agad ng kinuha ng mga staff ng ospital si Mika sa aking mga bisig. I don't know how I manage to let her go pero kanina nahirapan talaga akong bitawan siya.

Nakaupo na kami dito sa labas ng operating room. Nagpapasalamat ako kay Thomas at Ara at hindi nila ako iniwan sa mga oras na ito. Nandito din si Thirdy sa tabi ko, wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Paminsan-minsan ay maririnig kong napapabuntong hininga si Thomas, si Ara naman ay umiiyak pa rin pero agad naman siyang dinadamayan ni Thomas. Si Thirdy ay nakapikit at nagdarasal ng mataimtim. He loves Mika like a sister, he treats her with respect and as a family member. Kaya ganun na lamang ang pagkabigla nila ni Dani ng malaman ang sakit ni Mika.

"Kief." napatayo ako ng lumabas si Tita Gina ng operating room.

"Tita Gina, how's Miks po?" tanong ko.

"She's still unconscious  Kief but don't worry she's stable for now, sobra siyang napagod," hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko sa nangyari sa kanya. This is all my fault,I should have known that she was exhausted.

"Hindi ko naman sana siya papayagan sa wedding but knowing Yeye,makulit talaga. Are you aware that she needs to undergo another operation?"tanong ni Tita Gina sa akin.

"Opo." sagot ko.

Napalingon naman ako ng maramdaman na nakatayo na sa tabi ko si Tita Bhaby at Tito Manuel.

"Mare, anong nangyari sa anak ko?"nag-aalalang tanong ni Tita Bhaby. Tinawagan ko sila kanina matapos maipasok si Mika sa operating room.

"Pare, Mare, Im sorry pero hindi ko pa itinuloy ang operation ni Yeye, its too risky..."napatakip ng bibig si Tita Bhaby sa sobrang pagkagulat. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari, kasalanan ko rin naman ito two weeks akong hindi nagpakita kay Mika

"Mare, naalala mo yung doktor na sikat sa Amerika? Si Teresa Torre,nandito siya ngayon sa Pilipinas,ang sabi niya may kaibigan daw siyang kailangan ng tulong.Kung gusto mo puntahan natin siya para mapakiusapan na tingnan din si Mika. Marami na siyang napagaling, kung siya ang hahawak ng kaso ni Yeye, malaki ang chance of survival niya." pagpapaliwanag ni Tita Gina.

Inilipat na sa private room si Mika. Nagtungo naman si Tita Bhaby at Tito Manuel sa opisina ni Tita Gina para pag-usapan ang mga dapat gawin. Naalala ko yung pangalan ng doktor, Teresa Torre parang narinig ko na iyon hindi ko lamang matandaan.

Dahil malalim na ang gabi ay nagpaalam na rin si Thomas at Ara ng masiguro nila na maayos na ang kalagayan ni Mika. Pinauwi ko na rin si Thirdy, alam kong may training pa siya bukas at mahihirapan naman siya kung mapupuyat siya ng husto.

"Iho, Kiefer.." mahinang sambit ni Tita Bhaby ngunit sapat upang magising ako. Nakatulog na pala ako habang nakaupo sa tabi ng kama ni Mika.

"Umuwi ka na muna, magpahinga ka. Nalaman ko kay Thirdy may interview ka daw bukas." nakangiting sabi ni Tita Bhaby. Nakalimutan ko, may schedule nga pala ako bukas para sa Gilas team ko.

Nagpaalam na rin ako kay Tito Manuel, gustuhin ko mang hintayin na magising si Mika ay hindi nila ako pinayagan. Magagalit daw si Mika kung malalaman na nagpabaya na naman ako sa trabaho. Tama sila, isa sa mga pakiusap niya sa akin ay huwag na huwag kong pababayaan ang career ko.

I decided na umuwi ng Cainta. Panahon na rin siguro para makausap ko si Mommy.  I know I treated my mother with disrespect and im not proud of what I have done.

"Anak..." gulat na pahayag ni Mommy. Nakita ko siyang nakaupo sa dining table. Nagtaka ako dahil halos alas-dos na ng umaga at gising pa siya.

"Kamusta si Mika?" tanong niya. Agad naman siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.Iniharap niya ako sa kanya at magiliw na tiningnan sa aking mga mata. Hindi ko magawa tingnan siya sa mga mata,nahihiya ako sa kanya.

You complete me (Miefer Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon