XXVIII

3K 42 12
                                    

Mika's POV

I can't believe that Kief and I are already engaged. It was like yesterday, takot na takot pa ako mag commit sa isang relationship. Sobrang nagpapasalamat ako dahil hindi ako iniwan ni Kief, kahit alam kong sobrang nahihirapan na rin siya sa sitwasyon namin ngayon. Tama naman si Kuya Perry, I need to show Kief how much I love him.

Since  the day I first saw him,I fell for him instantly. Was it love at first sight? I think so. When Thomas told me his name was Kiefer, ang dami kong gustong malaman tungkol sa kanya.Saan siya nag-aaral? Mabait ba siya? Magaling ba siyang maglaro ng basketball?Pero pinigilan ko ang sarili ko. Nalaman ko na lang na sikat pala siyang basketball player at kilala rin bilang si Phenom. That's the time I realized that maybe what he told me about being the flower delivery boy was true.Hinding-hindi naman siya magkakagusto sa katulad ko.Hanggang dumating ang araw na nakita ko siya sa mall at tinulungan niya ako, ang saya ko noon dahil nakita ko siyang muli, well we bumped to each other several times but he never bothered to talked to me, si Thirdy pa kasi ang nanliligaw sa akin noon. Nakakatawang isipin na dahil sa maling akala napaamin siya ng feelings niya for me. Pero masaya ako that God gave me someone like him, my Babe. Kiefer is my first love,my true love and my one in a million.

Nang magising ako ay natutulog pa rin si Kief.Nakayakap ako sa kanya at nakahiga sa kanyang mga bisig. If time permits, I will stay by his side forever. I gently touched his lips,I tried my best not to wake him up.I pull away when he moved. Akala ko nagising na siya but he's still snoring. Naawa naman ako sa kanya, I knew he had so many sleepless nights because of me.

I decided to prepare breakfast for him. Hindi naman masama ang pakiramdam ko ngayon kaya naman alam kong kakayanin kong magluto. It's a good thing that Mommy and Tita Mozzy almost filled our kitchen with supplies. Kahit ano yatang putahe ang gustuhin kong lutuin ay may magagamit akong ingredients.

It took me less than an hour to prepare everything, actually I didn't cook a lot, Tocilog lang ang prinepare ko and fresh orange juice. Bakit? Yun kasi ang kinacrave ko, alam kong mapapagalitan ako kasi dapat may vegetables pero ngayon lang naman,I said to myself.

kring kring kring

Hello

(Hello Yeye,kamusta? Bakit ngayon ka lang sumagot, akala ko kung anong nangyari sayo, kanina pa ako tumatawag e)

Okay naman ako Kuya,pasensya na po hindi ko napansin yung call mo, huwag ka pong mag alala

(Hay, hindi talaga ako mapapalagay e, huwag na kaya akong umalis)

Kuya naman e, paano na si  Ate Claire?Magiging okay lang po ako

----Calling all passengers bound to London.....

(Sigurado ka?)

Oo nga Kuya, flight mo na yata e, sige na po. Call us na lang when you get there,Ingat.I love you.

(I love you too Yeye,huwag matigas ang ulo ha. See you soon.)

Pabalik na sana ako sa kwarto ng tumawag si Kuya Perry. Ngayong umaga ang flight niya papuntang London. Hindi na niya ako pinasama sa paghatid dahil mapapagod lang daw ako.Masaya ako para kay Kuya Perry dahil finally, ipaglalaban niya na ang babaeng pinakamamahal niya.Sabi nga niya do the things that makes you happy, and so did I.

Flashback

"Ye, Aalis pala ako bukas."sabi ni Kuya Perry, hinila niya ako dito sa garden at may pag uusapan daw kaming importante.

You complete me (Miefer Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon