Chapter 49

137K 3.2K 158
                                    


Chapter 49
Arrange.

"Nako, Josh. Kumain ka lang ng kumain." masayang sabi ni mommy kay Josh habang nilalagay ang cookies n' cream cheesecake na kanyang ginawa for dessert.

Pagkagaling kasi namin sa park ay ginamot ni Josh ang aking sugat saka mga ilang oras ding tumanga sa kanyang kotse.

Nakatulog daw ako kaya pagkagising ko ay nasa kwarto na ako at  tumutulong si Josh sa pag-aayos ng dining table nang bumaba ako sa may kusina namin.

"Namiss ko po talaga ang luto nyo, Tita." ani Josh habang panay ang subo sa mgapagkain na hinain ni mommy para sa kanya.

"I've learned some Chinese cuisines when we went to Hongkong and Macau." ani mommy. "Papatikimin kita minsan ng mga natutunan kong lutuin." dagdag pa ni mommy.

Natahimik si Josh sa sinabi ni mommy at mukhang alam ko kung bakit sya napatahimik.

It's about the term 'Chinese'. I think Joshua doesnt want to hear anything related to it right now.

"Uhm, so, Josh.."

Lahat kami ay tumingin kay daddy nang bigla itong magsalita sa gitna ng katahimikan.

"Are you planning to go home tonight?" tanong ni daddy upang siguro'y ma-divert ang topic. "You can stay here for tonight. The guest room next to Anne's room is clean. You're free to use it if you want."  suggest ni daddy.

Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mga chinitong mata ni Josh na hindi sya makapaniwala sa mga sinasabi at inaalok ni daddy ngayon sa kanya.

"I mean, if you want to stay out of problem at your home for tonight then you're free to stay." pagpapatuloy ni daddy. "Sa kwento nyo palang ay sa tingin ko'y alam na nga ng pamilya mo na kayo na ulit ni Lyrae."

Tumango naman si mommy at hinawakan ang kamay ni daddy upang sya naman ang magsalita.

"Nandyan pa ang ibang mga damit ng Tito Sean mo dati." singit ni mommy. "You can wear it for tonight. Ipapadala ko nalang don sa guest room para makapagshower ka."

"Uhm, thank you po pero.. I want to face the problems waiting for me at home." ani Josh. "Ayoko naman pong takbuhan lang 'yon." dagdag nya.

"You dont have to face that alone, Josh." ani daddy. "I can sense that my daughter wants to face everything with you at hindi ko naman hahayaang ngayong gabi pa kayo pumunta doon. I'd rather wait until morning kaysa ngayong gabi."

Kumapit naman ako sa braso ni Josh at tumango ako sa kanya saka ngumiti nang lingunin nya ako.

"Dad's right, Josh." pagsang-ayon ko kay daddy. "I want to come with you at sa tingin ko'y mas mainit pa ang ulo ng mommy mo kung sakaling sinabi man ni Jasmine sa kanya. Magpalipas muna tayo ng gabi dito samin para kahit kakaunti ay lumamig ang ulo ng mommy mo bago natin dagdagan muli ng panibago." I explained.

He sighed at saka tumango sa akin. "Okay then." ngiti nya sa akin saka lumingon kila daddy. "Sige po, Tito, Tita. I'll stay for tonight."

"Perfect then!" masayang pumalakpak si mommy.

Pagkatapos kumain ay nilaro namin si Vini na may bagong laruan sa kanyang crib.

"Namiss ko 'tong kapatid mo." ngiti nya sa akin habang hinuhuli ni Vini ang daliri nyang kalabit ng kalabit dito.

"Lahat naman ata namiss mo." biro ko sa kanya at inaalog ang isang laruan ni Vini na tumutunog.

"Of course." untag nya. "Your house is like my second home. Kaya namiss ko ang bawat tao at bawat sulok dito. Kulang na nga lang, makitulog na ako araw-araw eh." he slightly chuckled.

Say I Love You TooWhere stories live. Discover now