Chapter 42

124K 3K 261
                                    


Chapter 42
Delete.

"Should I wear this or this?"

Pinakita sa amin ni Anne ang kanyang dalawang bagong biling dress na gagamitin nya mamaya sa grand reunion.

Tinagilid naman ni Lawrence ang kanyang ulo na parang tinitignan nya pa ng maigi ang dalawang dress ni Anne.

"Is it really necessary?" kunot noong tanong ni Lawrence.

Anne rolled her eyes at napabuntong hininga. "Of course!" sagot nya.

Sumandal ni Lawrence sa sofa at humalukipkip.

"Kahit naman anong suot mo, maganda ka pa rin." sabay kindat ni Lawrence sa kanya.

Kinagat ni Anne ang kanyang ibabang labi na para bang pinipigilan nya ang mapangiti nang dahil sa sinabi ni Lawrence at saka inilipat ang tingin sa amin ni Kyle.

"Lyrae? Kuya?" tango nya sa amin ni Kyle at inalog ang dalawang dress na hawak nya.

"Uhm, oh, I've got a text." sabi nalang ni Kyle na sabay kinuha ang phone kahit wala naman talagang nagtext sa kanya.

I slightly chuckled ngunit agad ko ring itinikom nang makita kong matalim ang titig ni Anne sa amin.

"Just choose between the two." kibit-balikat ko.

Nalaglag ang kanyang balikat at mukhang naf-frustrate na sa aming tatlo dahil wala syang makuhang matinong sagot.

"That's why I'm asking all of you kung ano sa dalawang 'to ang bagay sa akin." daing nito.

"Well, parehas naman kasing bagay sayo." sabi ko habang sinusuri ang mga dress. "I cant choose."

Hinagis nya sa kanyang kama ang dalawang dress saka umupo sa harap ng kanyang tukador at huminga ng malalim.

It's so nostalgic.

Naalala ko nung ganyang-ganyan din ang itsura nya dahil problemado sya sa kung anong dress ang susuotin nya para sa party ni Lawrence. I was here at the same place where I was standing back then.

Ang pagkakaiba nga lang ay wala na yung lalaking naka white v-neck shirt with a white unbottoned cardigan and a black skinny jeans plus a sperry top sider na kinakalikot ang mga dress na nakakalat sa kama ni Anne at tinulungan sya sa pagpili ng dress na isusuot.

"Hay nako.." rinig ko ang buntong hininga ni Kyle at napalingon ako sa kanya.

Tumayo naman sya sa bean bag na kanyang inuupuan. Dumiretso sya sa kama saka ilang segundo ring tinignan ang dalawang dress na naroroon at iniangat ang black dress na may kunting gold glitters sa taas na pa-fade habang pababa.

"I think this looks good on you." sabay pakita nya kay Anne.

Lumingon naman si Anne kay Kyle at pinasadahan ng tingin ang dress na hawak-hawak ngayon ng kanyang kuya.

"You think so?" paninigurado ni Anne.

Nakangiting tumango naman si Kyle. "Uhuh." aniya.

Ngumiti naman ng malawak si Anne at mabilis na kinuha kay Kyle ang damit saka pumasok sa loob ng kanyang banyo.

"At last.."

Napalingon kaming dalawa ni Kyle kay Lawrence na huminga ng malalim at parehas kumunot ang noo sa kanyang naging reaksyon.

Napatingin naman sa amin Lawrence. "I just really dont know what to tell her when she's asking me to choose." he defended.

Mas lalo namang kumunot ang noo ko. "Mamimili ka lang sa mga dress na hawak nya, what's so hard?" tanong ko dito.

Say I Love You TooWhere stories live. Discover now