Chapter 50

160K 4.4K 1.4K
                                    


Last chapter. Thank you! :)

-----------------------

Chapter 50
Chinese is for a Chinese.

"Josh--"

Napatigil ako sa pagtawag kay Josh nang makita ko itong nakaharap sa salamin nitong guest room at sinuot ang kanyang black suit na may white vneck shirt sa loob.

Ngumiti sya at tinignan ang reflection ko sa salamin.

"Need anything?" tanong nito sa akin.

Umiling lang ako at saka ngumiti. "I just wanna check if you're already done."

"Yes, I am." aniya at kunting ayos pa ng buhok ang ginawa nya sa harapan ng salamin bago tuluyang humarap sa akin.

Tinignan ko ang kabuuan ng kanyang itsura at kahit ilang beses ko na syang nakita ng ganito ay parang bago at iba pa rin ito sa akin.

He have that kind of effect on me. He can always make my mouth watery nang dahil sa tindig nyang kakaiba. Maybe, that's why I fell for him kahit mailap ako noon sa mga lalaki. He has that aura na mapapalingon ka talaga sa kanya at bonus nalang siguro ang nangyaring mister and miss intramurals noon kung bakit ko sya nakilala. You can never get enough of him.

"Let's go?" aya nya sa akin.

Nagulat nalang ako ng pinadausdos nya ang kanyang kamay sa akin. Hindi ko man lang namalayang nakalapit na pala sya sa akin.

"Okay." simpleng tango ko at lumabas na kami ng guest room kung saan sya tumuloy.

Habang pababa kami ng hagdan ay bigla nyang inilapit ang kanyang mukha sa akin na kitang-kita ng aking peripheral vision kaya naman agad akong napalingon sa kanya.

Ngumiti sya sa akin at nilagay ang takas na buhok sa aking tenga.

"You never fail to make me amaze with your beauty." marahan nitong sabi sa akin with his husky voice. "You're always making me crazy, baby."

Isinandal nya ang kanyang noo sa akin at pumikit sya saka hinawakan na rin ang isa ko pang kamay.

"If ever we fail to convince my family specially, my mom.. I am really gonna ask forgiveness to your family dahil itatanan na talaga kita." he chuckled.

Marahan akong napatawa at hinampas ko ang kanyang matipunong braso.

He's really working out.

"I'm willing to go to hell dahil sa hindi pagsunod sa mga magulang ko." dagdag pa nya.

Sasagot na sana ako ng biglang may matigas na boses ang nagsalita sa aming harapan.

"Pero sa tigin ko, baka mauna akong mapunta sa impiyerno kapag may nasaktan akong bata na sobrang dikit sa anak ko."

Halos mapatalon kami sa sobrang gulat ni Josh nang makita si daddy na papaakyat sa hagdanan na tila'y nakapormal na damit at may suot na ngising hindi mo malaman kung masaya ba sya o nang-iinis.

"Uhm, 'ddy!" untag ko nalang saka ngumisi at lumapit sa kanya. "Where are you going? Why are you wearing a formal attire?" tanong ko sa kanya.

"We're also going to a party." sagot ni daddy.

"Isasama nyo po si Vini?"

"Yeah." ani daddy at tumingin sa kanyang orasan. "Sige na at umalis na kayo. Baka mahuli pa kayo. I'll just go to your mom and Vini na mukhang wala ng balak lumabas ng kwarto."  biro ni daddy saka tumingin kay Josh. "Goodluck." simpleng sabi ni daddy kay Josh bago tuluyang umakyat sa taas.

Say I Love You TooWhere stories live. Discover now